Ilan sa mga hinahangaan nating personalidad sa ngayon ay anak rin ng ilan sa mga sikat na aktor sa showbiz. Ilan na nga rito si Carmina Villaroel at ang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi, Jenine Desiderio at Janella Salvador, Marjorie at Julia Barretto, Jaclyn Jose at Andi Eigenmann. Hindi talaga malayong mangyari na namana nila sa kanilang mga magulang ang angking galing sa pag-arte at iba pang mga talento.

Isa na rin rito ang unica hija ni Jackie Forster sa asawang si Michel Franken na si Caleigh.
Nakilala si Jackie Forster bilang dating asawa ng basketball player at aktor na si Benjie Paras. Alam din ng karamihan na siya ay ina ng kanilang mga anak na sina Andre at Kobe.

Taong 1992 nga nang siya ay magsimula sa showbiz. Ang ilang pelikulang kinabilangan niya ay ang First Time… Like a Virg!n! , Tusong Tw0some, Sanggan0’t sanggag0, at Geron Olivar. Sinalihan niya rin ang show na Survivor Philippines.
Matatandaan ring sumikat ang kanyang mga anak na sina Andre Paras at Kobe Paras sa showbiz kaya naman hindi rin malayong manahin ni Caleigh ang galing ng kanyang ina at sumunod rin ito sa kanyang mga yapak.

Natagpuan ni Jackie ang kanyang true love sa pangalawang asawa na si Michel Franken. Si Michel ay isang Dutch descent at nagtatrabaho ito sa isang multinational company. Ang mag-asawa ay mayroong tatlong anak — sina Jared, Caleigh at Yohan. 13 taon at mahigit nang nagsasama ang mag-asawa.

Nagkaroon umano si Caleigh ng juv€nile myel0mon0cytic l€uk€mia. Ngunit nalampasan ito ng bata dahil sa katatagan at pag-aalaga rin ng pamilya. Nakatulong rin ang pagkanta ng anak upang mapalakas ang kanyang baga. Kaya ngayon ay malusog na at aktibo na sa mga bagay si Caleigh.

Sa murang edad na sampu, kapansin-pansin ang pagiging showbiz material ni Caleigh. Sa likas na kagandahan ng bata, sa pagiging bibo nito at sa kanyang talento ay hindi makakailang may future ito sa pagpasok sa showbiz. Makikita sa ilang post ni Jackie Forster sa kanyang social media accounts ang ilang mga litrato ng anak.

Ibinahagi rin ni Jackie sa ilan pang post ang ilang larawan na nagpapakita sa pagiging fashionista ng anak. Makikita rin ang talento nito tulad ng pagkanta, pagsayaw, pag-arte at paghohost ni Caleigh. Kaya naman nakikitaan talaga ito ng potensyal sa pag-aartista gaya ng kanyang ina.
Source: Jackie Forster Instagram