Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang panganay na anak ni Niño Muhlach na si Zandro na may artistahing karisma

Isa sa mga napaka-cute at napaka-bibo na na child star noong ang aktor na si Niño Muhlach. Siya ay pinsan nina Aga Muhlach at Arlene Muhlach. Dahil sa kanyang angking husay at galing sa pag-arte noong kabataan pa lamang nito, siya ay binansagang “Child Wonder of the Philippines”.

photo via sandromuhlach | ig

Ikinasal ang aktor kay Edith Millare noong taong 2000 at nagkaroong sila ng anak na si Zandro Muhlach. Pagkalipas ng ilang taon ay naghiwalay si Niño at ang kanyang unang asawa. Nagkaroon sya ng pangalawang anak na si Alonzo Muhlach kay Diane Tupaz.

photo via sandromuhlach | ig

Ang kanyang panganay na si Zandro ay mas pinili ng simple at normal na buhay na wala sa harap ng kamera at hindi sinundan ang yapak ng kanyang ama. Binigyan nito ng atensyon at pagpapahalaga ang kanyang pag-aaral bilang isang normal na estudyante. Ngunit nagkaroon din naman ito noon ng mga TV guestings at pagsama sa mga TV commercials.

photo via sandromuhlach | ig

Samantala, kamakailan lang ay nagtapos ng pag-aaral si Zandro sa senior high school at bilang pagkilala sa kanyang kasipagan at pagbubuti sa pag-aaral, binigyan siya ng malaking sorpresa ng kanyang amang si Niño.

Kaarawan din ni Zandro noong araw na iyon at sila ay kumakain ng almusal kasama ang kanyang ama. Binigyan nya ito ng isang keychain. Noong umpisa, akala ni Zandro ay isang ordinaryong keychain lamang ito at hindi nya alam kung ano ang gagawin doon. Subalit, sinabihan sya na lumabas ng bahay at tingnan kung anong sorpresa ang naghihintay sa kanya, doon sya nagulat sa kanyang nakita.

photo via sandromuhlach | ig

Niregaluhan ni Niño ang anak nito ng isang mamahaling sasakyan bilang graduation at birthday gift. Nagpapasalamat naman si Zandro sa kanyang ama dahil malaking bagay na mayroon itong magagamit na sariling sasakyan para magamit nya sa pag-aaral sa kolehiyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niño Muhlach (@oninmuhlach)

Hindi man nag-artista ang anak ay todo suporta pa rin ang ama dahil nakikita nito ang sipag at determinasyon sa pag-aaral at tiyak na malayo ang kanyang mararating kahit wala sa harap ng kamera.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending