Connect with us

Entertainment

Kilalanin At Kamustahin Natin Ang Buhay Ngayon Ng Batikang ‘Kontrabida Aktor’ Na Si Dindo Arroyo

Si Dindo Arroyo ay isang Filipino-actor itinituring na siya ang isa sa mga pinaka-paborito at hinahangaang kontrabida sa mga pelikulang pang Action si Dindo Arroyo. Ayon pa sa isang report, ay mahigit sa isang daang pelikula na ang nagawa ng batikang aktor.

Siya ay nadiskubre ng isa ring action star na si Philip Salvador. Samantala, ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng mga paupahan noon kung saan ‘di umano umuupa sa kanila ang taga VIVA Films. At sa kanyang paninigil ng upa o renta sa shooting siya ay namataan ni Philip Salvador at dito nga ay agad na inalok siyang mag-artista.

Samantala, siya ay pinayuhan ni Philip na magpahaba daw ng buhok at mag-aral ng Taekwondo. Kinalaunan ay mula sa pagiging engineering student ay naging alalay ito ni Eddi Garcia sa pelikulang “Ikasa Mo, Ipuputok Ko” (1990).

Dahil sa husay ni Dindo Arroyo ay nakatrabaho niya ang tinatawa na ‘Magic 5’ ng pelikulang pang-action at ito’y kinabibilangan nina Philip Salvador, Lito Lapid, Bong Revilla, Rudy Fernandez at Fernando Poe Jr.

Maituturing isa ‘di umano itong pribilehiyo dahil mismong si The King: Fernando Poe Jr., ang pumili sa kanya sa mga malalaking proyektong pang-pelikula.

Isang pambihirang dedekasyon naman ang ipinamalas ni Dindo Arroyo sa pelikulang “Nandito Ako” (1993), nang mag back-out ang kanyang stunt double para tumalon sa helicopter papunta sa umaandar na tren.

Sumalang din siya sa pelikulang “Ritwal Ng Kapatiran”, kung saan gumanap siya bilang Ama ng isang pinatay na miyembro ng isang fraternity. Banggit pa niya na baka matawa ang mga tagahanga at manonood sa kanyang pag-acting sa drama.

Samantala, sa kanyang panayam sa Inquirer ay nag-quit ‘di umano siya sa pelikula at sa pag-arte upang mamuhay na ngayon ng simple. Taong 2014 naman ay inoperahan siya sa kanyang atay, batid pa niya stage 4 lever cancer ang findings ng doktor sa kanya.

Sa tulong ng operasyon at herbal medicine ay unti-unting nanumbalik ang lakas ng aktor kasunod nito ang kanyang paglabas sa “Ang Probinsyano”. Kung mayroon mandaw siyang natutunan sa kanyang pagbabalik sa pag-arte ay yun ay namimiss at mahal parin siya ng kanyang mga tagahanga.

Ang pagkakaroon daw niya ng cancer ay hindi nagpababa ng kanyang loob. Mas labis pa ‘di umano ang kanyang ikinalungkot ang pagkamatay ng kanyang asawa na si Sherlyn noong 2009. At ngayon naiwan sa kanya ang kanyang anim na anak.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending