Nakapanuod ka ba dati ng Super Inggo? Maaring nakilala mo doon si Ava Avaniko na ginampanan ng aktres na si Empress Karen Carreon Schuck, o mas kilala sa pangalan na Empress.

photo credit ro empress schuck | ig
Si Empress ay isang Filipino-German, Pilipina ang kanyang ina at German naman ang kanyang amang si Hans Schuck na isang singer. Kaya naman natatangi ang kanyang kagandahan bukod pa rito ang galing sa pag arte. Marami nadin ang kanyang naging mga palabas sa telebisyon at mga pelikula.

photo credit ro empress schuck | ig
Ang aktres ay 27 na taong gulang na ngayon dahil ipinanganak sya noong February 19, 1993. Una siyang lumabas sa telebisyon sa isang commercial ng Vaseline shampoo noong siya ay pitong taong gulang pa lamang.

photo credit ro empress schuck | ig
Noong 2000 nakitaaan siya ng potensyal sa pag arte kaya’t kinuha sya ng ABS-CBN at nagkaroon ng unang proyekto sa isang pelikula na ‘Bida Si Mister, Bida Si Misis’. Naparangalan siya bilang Most Popular Child Actress noong 2003 ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

photo credit ro empress schuck | ig
Nagkaroon din ng proyekto si Empress sa GMA Network sa programa na Etheria at ginampanan ang karakter ni Cassopeia. Simula noong taong 2017, naging isang freelance na aktres nalang ito at kadalasang nasa GMA network na ang mga proyekto.

photo credit ro empress schuck | ig
Nanalo si Empress bilang Best Child Actress sa 2003 FAMAS Awards, na-nominate bilang Best Supporting Actress sa 33rd Metro Manila Film Festival noong 2007 sa kanilang pelikulang ‘Resiklo’, at na-nominate bilang Best Drama Actress sa 29th PMPC Star Awards for Television noong 2015 sa palabas na ‘Kailan ba Tama ang Mali?’

photo credit ro empress schuck | ig
Si Empress ngayon ay masayang namumuhay kasama ang anak na si Athalia sa boyfriend na si Vino Guingona, apo ng dating Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ng senador na si Teofisto Guingona III. Si Vino ay isa ring modelo. Ang kanilang anak na si Athalia ay napaka cute at napaka ganda. Siya ay ipinanganak noong September 2015.