Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Sofia Romualdez, Ang may Spanish Beauty na Anak ni Cristina Gonzales at Alfred Romualdez

Sino si Cristina Gonzales? Siya ay isa sa mga pinakasikat at pinakamagandang artista ng kanyang kapanahunan. Dahil sa kanyang angking ganda at pisikal na kaanyuan, marami ang nahuhumaling sa kanya.

Pagkatapos ng ilang taon sa mundo ng showbiz ay pinasok narin ni Cristina ang politika kagaya ng kanyang amang si Jose Marie Gonzales na naging congressman noong 1998.

Si Cristina ay naging city councilor ng dalawang termino noong simula 2007 at naging mayor din ng Tacloban. Napangasawa ni Cristina si Alfred Romualdez na naging mayor din  ng Tacloban.

Dahil sa mala espanyol na kagandahan ni Cristina at sa angking kagwapuhan ni Alfred, nagkaroon sila ng napakagandang anak na si Sofia Romualdez.

Maraming nagsasabi na may kahawig din daw ito kay Arci Munoz.  Si Sofia ay unti-unti narin nakikilala dahil sa kanyang magandang boses. Marami na ang kanyang followers sa Instagram at nahuhumaling sa kanyang kagandahan.

Marami ang nag aabang sa kanyang mga cover songs sa IG at sa kanyang mga selfie photos na nagpapakita ng kanyang pang araw-araw na buhay.

Nagkaroon na si Sofia ng recording album at single sa Viva Artist Agency noong 2016 na may pamagat na ‘’Thinking of You’’

Apat na taon ang lumipas noong nasangkot sa isang hindi magandang issue sa social media si Ashley dahil sa kanyang rants. Subalit ipinagtanggol din ito ng kanyang ina. At humingi naman ito ng pasensya sa kanyang nagawang pagkakamali ayon sa kanyang ina.

Sa kabilang dako, ang mga bilog na mga mata ay talagang nakakadagdag sa kanyang kagandahan. Tunay ngang hindi magiging imposible na pasukin din nito ang showbiz kagaya ng kanyang ina dahil di lamang maganda kundi magaling din kumanta.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending