Connect with us

Entertainment

Kinagiliwan Online ang Napaka Cute na mga Larawan ni Angel Locsin Noong Siya ay Bata Pa

Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Angel Locsin?

Si Angelica Locsin Colmenares o mas sikat sa pangalang Angel Locsin ay ipinanganak noong April 23, 1985, sa Sta. Maria Bulacan.

Maagang pinasok ang showbiz subalit nabigyan ng malaking break sa kanyang pagiging artista noong naging bida sya sa programang Mulawin noong 2005 bilang si Alwina kasama ang katambal na si Richard Guttierez.

photo credit to angel locsin | facebook

Malaking tulong ang naiaambag ng aktres sa tuwing may mga malalaking krisis at traheyda na nagyayari sa bansa kagaya na lamang ng kanyang pagbebenta ng kanyang sasakyan upang maitulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2014.

photo credit to angel locsin | facebook

Sa likod ng kanyang kabayanihan sa mga kababayan makikita ang isang inosente at masayang kabataan ng aktres sa mga litratong naupload sa kanyang Facebook.

Makikita sa isang larawan ang kanyang pagtatapos sa pag aaral noong bata pa ito at sa ibang litrato naman ay mukhang sumali ito sa isang beauty pageant. Makikita na sa murang edad palang ng aktres ay napaka cute at napaganda na nito, kaya naman dala nya ito hanggang ngayon.

photo credit to angel locsin | facebook

Tinawag na nang real-life “Darna”ang aktres sa mga kabutihang nagawa nito na hindi na mabilang. Pinarangalan at kinilala siya bilang “Asian Heroes of Philanthrophy” noong 2019 at naisulat sa Forbes Magazine. Ayon sa magazine umabot na sa 15 million pesos ang naitulong ng aktres sa mga scholarships, at tulong pinansyal sa mga panahon ng krisis.

photo credit to angel locsin | facebook

Sa panahon ng pandemya ngayon ay aktibo rin ang aktres sa pag-ikot sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang makapag abot ng tulong sa mga kapwa Pilipino.

Nakalikom sya ng umabot 11 million pesos para sa mga medical frontliners noong March hanggang April ngayong taon. Marami na din syang natulungan sa kanyang bagong programa na “Iba Yan”.

photo credit to angel locsin | facebook

Hindi lamang real-life Darna kundi isa ring real-life na anghel si Angel Locsin dahil sa kanyang mga nagawa at mga gagawin pang tulong.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending