Connect with us

Entertainment

Kiray Celis hinangaan sa kakaibang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso para sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng isang espesyal bouquet

Walang makakapigil sa pagmamahalan, kahit pa sa gitna ng pandemic ay tuloy pa rin ang pagdiriwang ng mga tao ng Araw ng mga Puso o Valentine’s Day. Hindi alintana ang mahal ng mg bulaklak at tsokolate para lamang mapasaya at masorpresa ang mga minamahal sa buhay.

credit to kiraycelis | ig

Ang pagdiriwang ng Valentine’s Day ay hindi lamang para sa mga magkasintahan dahil maari ring maipadama ang pagmamahal sa pamilya, lalong-lalo na sa mga magulang.

Samantala, isang kahanga-hangang pagmamahal sa magulang naman ang ipinamalas ng aktres at comedian na si Kiray Celis noong nagdaang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Sinorpresa nito ang kanyang mga magulang ng mga regalo na tig-iisang malaking bouquet ng pera. Sa kanyang IG post, ibinahagi nya ang larawan ng kanyang mga magulang hawak-hawak ang bouquet at sinamahan pa nya ito ng napakagandang mensahe.

credit to kiraycelis | ig

“Happy happy valentines day, Mama and papa. Hindi man ako perpektong anak, pero ibibigay ko lahat ng kaya ko, guminhawa lang ang buhay niyo. Salamat sa walang sawang suporta, pagmamahal at pagiintindi sakin. Mahal na mahal ko kayo. Next time, tig 1k nayan lahat. Pagpasensyahan niyo na? Yan lang nakayanan ko. HAHAHAHAHAHAHAHA! Maraming salamat @thinkingoutloveflower sa pag gawa ng MONEY BOUQUET nila mama!”, caption ng aktres sa kanyang IG post.

credit to kiraycelis | ig

Masaya man ang pag-ibig ng aktres ngayon ngunit hindi nya pa rin nakakaligtaan ang kanyang mga magulang na pasayahin din sa Araw ng mga Puso. Sila rin ang kanyang inspirasyon sa kanyang pagtatrabaho dahil sa walang sawang suporta nila sa kanya simula pa lamang noong sya ay bata pa.

credit to kiraycelis | ig

Samantala, sa isa naming IG post ng aktres ipinarating nya sa kanyang boyfriend kung gaano ito nagpapasalamat sa tagal ng kanilang masayang pagsasama.

“Sabi nila malalaman mo daw na nagmamahal kana kapag nasasaktan kana.. ha? Seryoso? Kasi ang tunay na nagmamahal sayo, kailanman hindi ka hahayaang masaktan. 1 year & 2 months.. sa tagal nun never mo pakong pinatulog ng malungkot, never moko pinaiyak. Never ka nagsinungaling. MASASABI KO NA NAHANAP KO NA YUNG KAGAYA NG PAPA KO!!! Happy happy monthsary and happy happy valentines daddy @stephan.estopia.” pahayag ng aktres.

credit to kiraycelis | ig

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending