Connect with us

Entertainment

Kiray Celis, Nagbigay ng Kakaibang Sorpresa sa Kaarawan ng Kanyang Pinakamamahal na Boyfriend

Sa panahon ngayon, normal lamang na pangyayari kapag kayo ay makakakita ng isang boyfriend na sinusurpresa ang kanyang girlfriend. Subalit pagdating kay Kiray Celis, naging baliktad ang sitwasyong ito. Sa halip na siya ang masurpresa ay siya mismo ang sumurpresa sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.

Credit to Kiray Celis | Instagram

Si Kiray ay isang sikat na aktres at komedyante. Unang nadiskubre ang aktres noong sumali siya sa isang patimpalak ng ABS-CBN Network na “Munting Miss U” ng “Magandang Tanghali Bayan”. Apat na taong gulang pa lamang siya noong taong iyon.

Credit to Kiray Celis | Instagram

Lalo pang sumikat ang aktres taong 2005 nang mapili siya bilang isa sa mga cast members ng “Goin’ Bulilit”. Iba’t ibang papel na rin ang kanyang ginanapan sa iba’t ibang palabas sa ABS-CBN. Pagkatapos ng labing-siyam na taong pamamalagi ni Kiray sa ABS-CBN ay lumipat siya sa GMA Network noong taong 2018.

Credit to Kiray Celis | Instagram

Tumatak na sa isipan ng karamihan ang pagiging komedyante ni Kiray. Ngunit kamaikalan lang ay pinakita rin ng aktres na siya ay isang sweet at loving na girlfriend. Usap-usapan ngayon ng karamihan ang post na ibinahagi ng aktres sa kanyang Facebook account na kung saan siya ay naghanda ng isang surpresa para sa kaarawan ng kanyang boyfriend.

Credit to Kiray Celis | Instagram

Iba’t ibang klaseng regalo ang ini-handa ng aktres para kay Stephan. Ni-regaluhan niya ito ng isang gold necklace, teddy bear, Nintendo switch lite, isang pares ng sapatos na Nike, tsokolate at mga bulaklak. Naghanda rin siya ng isang boodle fight para ito’y kanilang mapag-saluhan.

Credit to Kiray Celis | Instagram

Ayon pa sa aktres ay nagpapasalamat siya sa Pangiinoon sapagka’t binigay nito sa kanya si Stephan, dagdag pa niya ay kulang pa ang magagandang salita at regalo sa pagmamahal na binibigay ni Stephan sa kanya at sa kanyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

Sa huli, nag-iwan rin ng mensahe si Kiray sa lahat ng babae na hanapin nila yung lakaking hindi lang sila ang mahal, kundi pati pa ang pamilya nila. “Kaya sa lahat ng babae diyan, hanapin mo yung lalaking hindi lang ikaw yung mahal. Pero mahal rin pati pamilya mo. Mahal yung buong pagkatao mo. Maganda man o panget na tungkol sayo. Yung tanggap ka nang buong buo. Kasi mahal ka niya nang totoong totoo,” sabi ni Kiray.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending