Connect with us

Entertainment

Komedyante at vlogger na si super Tekla, ipinasilip ang kanyang bagong bahay na kanyang naipundar

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng malaking isyu patungkol sa komedyanteng si Tekla at ang kanyang pamilya. Naging usap-usapan ito ng mga tao sa social media at umabot pa ito sa program ana Tulfo In Action.

Subalit pagkaraan ng ilang buwan ay muling nakabangon si super Tekla sa kanyang pagkakalugmok sa hindi magandang isyu. Dahil na rin sa kanyang pagpupursige at pagsisikap, kasama na rin ang suporta ng kanyang kaaibigan at ka-tandem sa vlog na si Donita Nose, ay unti-unti siyang nakabawi, nakabalik sa normal na buhay at pagtatrabaho, at nakapag-ipon.

Kaya naman sa kanilang latest vlog, ibinahagi nina super Tekla at Donita sa kanilang Donekla vlog, ang bagong sariling bahay na nabili ng komedyate, host, at vlogger na si Tekla.

“Ito ay pinag-isipan, pinagdasal, and then through encouragement ni Beshy Donita na you have to have your own house. Investment din yan”, saad ni Tekla sa vlog.

Masayang-masaya si Tekla at labis umano syang nainsipre kay Donita dahil ito ay nakabili rin ng sariling bahay. Kaya napag-isipan din nitong bumili na rin para sa kanyang sarili.

“Kasi one day, alam kong lahat tayo ay magreretire, lahat tayo ay mamahinga sa ginagalawan natin, at least mayroon tayong tahanan na uuwian” dagdag pa nito.

“Wala pong imposible, mangarap ka, magsumikap ka, you own it! Ang sarap sa pakiramdam. Worth it ang pagod, ang sacrifice, ang effort natin,” wika ni Tekla.

Pinasilip nila Tekla sa kanilang vlog ang buong bahay, at napakalaki nito at napakaganda. BInayaran na rin ng komedyante ang kalahati ng bahay at ang natirang bayarin umano ay pag-iipon nyang muli at pagtatrabahuan ng maiigi.

“Bagong taon, bagong buhay, bagong bahay!” masayang wika nito.

“Mga ka-tandem, sobrang dream come true ang magkaroon ng dream house. Nakakataba ng puso, nakaka-inspire dahil despite sa mga pinagdaanan, pinagdaanang hirap, kagipitan, kakulangan, pandemic, lahat at kung anu-ano ang mga nangyari, but still ang faith mo kay God, magtiwala ka at may isang bagay na gusto mong marating sa buhay, basta sipagan mo lang, pursigido kang mangarap, matutupad lahat yan”, pahayag pa ni Tekla bilang pagbibigay inspirasyon sa kanilang mga taga-hanga.

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending