Naaalala mo pa ba si ate Glow? Ang isang komedyante at impersonator ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na umaliw at nagbigay saya sa madaming tao. Hindi na lumalabas sa telebisyon ang sikat na komedyante ilang taon na ang nakalilipas. Nasaan na nga ba siya?

Si Ate Glow ay masaya ng namumuhay kasama ang kanyang gwapo at butihing asawa sa London, United Kingdom. Ngayon ay hindi na rin “Ate Glow” ang pagkakakilala sa kaniya. Siya na ngayon ay si Renee Hampshire. Ikinagulat din ng lahat ang nagging transpormasyon ng komedyante. Ngayon ay isang napakagandang Renee Hampshire na ang ating nakikita. Si Ate Glow ay isa ng straight [email protected] woman.

Bago makilala ni Ate Glow ang kanyang British husband ay nagkaroon siya ng dalawa pang karelasyon. Makalipas ang ilang taon, pumunta siya sa London upang sana ay ayusin ang kanyang relasyon sa kanyang ex-boyfriend. Ngunit noong 2013, hindi inaasahan ni Ate Glow na ang kanya palang pagpunta sa lugar na ito ay makikilala niya ang magiging lifetime partner niya. Ang taong magbibigay sa kanya ng buong pagmamahal na matagal na niyang inaasam-asam.

Noong July 2,2016 ay ikinasal si Ate Glow sa Chelsea Registry Office ng London, United Kingdom na kung saan ay nasaksihan ng mga malalapit na kaibigan at pamilya ng mag-asawa. Ang simple at masayang kasalan ay ipinakita ni Ate Glow sa social media at lubos na ikinasiya ng mga netizens.

Matatandaang noong umuwi sa Pinas ang Komedyante ay nagkaroon siya ng interview sa Magandang Buhay. Inihayag dito ng komedyante kung ano ang naging buhay niya noong iwan niya ang showbiz at pati narin ang kanyang buhay may asawa.
Ayon kay Ate Glow, nakilala niya ang kanyang asawa sa isang online application ng mga win€ and alcoh0l lovers. Napansin daw ng aktres na madalas siyang ifollow ng kanyang husband sa mga lugar at restaurants na kanyang pinupuntahan. Noong siya ay bumalik sa London ay naging unang pagkikita din ng dalawa. Lubos na ikinasiya ni Ate Glow ang pagdala nito sa kanya sa magagandang restaurants.

Hanggang sa ito ay nasundan na ng nasundan at humantong sa kasalan. Makikitang si Ate Glow ay masayang masaya na sa kanyang married life at napakagwapong asawa ngayon kahit na iniwan niya ang showbiz.
Source: Renee Hampshire Instagram