Marami na sa mga artista ang hindi na aktibo sa kanilang karera sa showbiz dahil mas pinili nang paglaanan ng atensyon at panahon ang pamilya. Kagaya na lamang ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Sotto.
Si Oyo ay anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie na mga kapwa din artista, kaya naman walang duda na mahusay din itong aktor si Oyo Boy Sotto. Subalit, sa kabila ng magandang karera sa industriya ng showbiz ay mas pinili na nitong maging full-time na daddy at asawa.

credit to khsotto | ig
Simula noong nagkaroon na sila ng pamilya ng kanyang dating girlfriend at ngayon ay ina ng kanyang mga anak na si Kristine Hermosa, mas tutok na sa pag-aalaga sa kanila ang aktor. Hindi lamang sa pag-arte umano mahusay ang aktor dahil magaling din itong padre de pamilya.

credit to khsotto | ig
Noong nakaraan ay ibinahagi ng kanyang asawa ang larawan ng surpresa ng aktor sa kanya noong Araw ng mga Puso.
“My forever. I thank the Lord for you every single day. @osotto Thank you for leading us and showing your love for all of us in your own unique way. I LOVE YOU.” caption ni Kristine sa kanyang IG post kasama ang larawan ng asawa na mayroon bouquet ng red roses.
Bukod pa umano kay Kristine, binigyan din ni Oyo ng bulaklak ang kanyang anak na si Ondrea at ang kapatid na babae ni Kristine na si Kathleen.
Sa isang post naman ng aktres, nag-upload ito ng larawan na kasama ang asawang si Oyo at bumati ito para sa kanilang wedding anniversary.

credit to khsotto | ig
“Just a simple celebration with a heart filled with so much gratitude Praise God for your faithfulness” 1.12.2021 #10thAnniversary #moreyearstocome #BirthSary #familyisagiftfromGod.
Maalaga at mapagmahal nga itong si Oyo dahil sa tinagal tagal na ng kanilang pagsasama ay hindi pa sila nagkaroon ng isyu sa kanilang pag-aasawa ng aktres pati na rin sa kanilang pamilya.

credit to khsotto | ig
Excited naman ang kanilang mga fans at kinikilig dahil sa paparating pa na baby number 5.