Sa paglipas ng panahon, nag-iiba na ang pamumuhay ng tao at kasama na din ang pag-iiba ng mga hilig at kinagigiliwan. Dahil sa makabagong teknolohiya, naging uso na ngayon ang mga gadget, mga larong gumagamit ng laptop, tablet, at cellphone o mas kilala bilang mga mobile games.

photo credit to itspokwang27 | ig
Maraming kabataan ang nahuhumaling dito at labis na nasisiyahan. Hindi naman ito masama basta’t nasa tamang oras lamang ito at hindi labis-labis ang paglalaro.
Lahat na halos ng mga kabataan ngayon ay kilala ang Facebook, Youtube, Tiktok, at kasama na rin ang ilang mobile games kagaya ng Candy Crush, Mine Craft, Mobile Legends at iba pa. Marahil ay wala na ngayong nakakaalam sa mga klasikong at tradisyunal na Larong Pinoy katulad na lamang ng Luksong Baka, Piko, Patintero, at Tumbang Preso.

photo credit to itspokwang27 | ig
Isang nakakalungkot na katotohanan ngunit unti-unti ng nawawala ang mga larong ito sa makabagong henerasyon ngayon. Wala na ngang masyadong nakakilala sa mga larong ito kaya naman may mga magulang na nais na maibahagi sana ang mga klasikong Larong Pinoy sa kanilang mga anak.

photo credit to itspokwang27 | ig
Samantala, ang aktres na si Pokwang ay nagbahagi ng isang video kung saan tinuturuan nito ang kanyang bunsong anak na si Malia na maglaro ng Tumbang Preso.
Sa IG post ng aktres-comedian, “hoy tisay @malia_obrian tumbang preso ang laro hindi golf!!! Hahahhahahahaaa kaloka ka!!!” caption nito sa video ni baby Malia o mas kilala sa palayaw na “tisay”.

photo credit to itspokwang27 | ig
Ang Tumbang Preso o kilala din sa tawag na Tumba Lata, na gumagamit ng isang lata at tsinelas. Ang lata ay nakalagay at nakatayo sa malayong distansya at babatuhin ito ng tsinelas para mitumba.
Natatawa at natutuwa naman si Pokwang sa ginagawa ng kanyang anak upang matutong maglaro ng Tumbang Preso.
Bumilib din ang ilang kaibigan ni Pokwang sa kanyang ginawa. Ayon sa aktres na si Vina Morales, “Hahaha Go tisayyy 😘 street games 👏❤️😁.
“Hindi nya Kasi matamaan ang Lata Kaya tinumba nya nalang Ng kusa ang galing na bata mautak hahahahhaha” dagdag na komento ni @rhinamaealbaladejo.