Connect with us

Celebrity

Look: Nakakamiss na Binalikan ni Loisa Andalio ang Kanyang Dating Tahanan

Hindi naman kaila na sobrang sikat na ang dating PBB housemates na si Loisa Andalio, matapos ang itong mapabilang sa Bahay ni Kuya hindi na mabilang ang blessings na kanyang natatanggap. Kung masugid kayo na tagahanga ni Loisa maaaring alam na ninyo kung anu-ano na ang kanyang nakamit na pangarap.

Alam naman natin na nagpatayo na na sariling bahay ang dalagang aktres at kamakailan lamang ay nagpost ito ng kanyang isa sa kanyang dream car o van at hindi lamang yan mayroon na rin itong negosyo. Tunay nga na masinop ang batang aktres sa kabila ng kanyan mga kabilaang proyekto ay alam nito kung paano gagamitin ang kanyang pinaghirapan.

Samantala, ating tunghayan ang lumang bahay ni Loisa kung saan binalikan niya it at ikinuwento ang ilang mga alaala sa nasabing bahay.


Noong papasok pa lamang sa kanilang lugar nasambit sa video na bumalik daw lahat ng alaala at nasabi rin na napagiwanan na daw ang kanilang bahay. Pagbungad pa lang makikita mo na ang mga alagang aso at sa sala nito tanging kisame lamang daw ang nag-iba.

Ang kanilang hapag kainan ay ganun pa rin simula ng bata siya wala daw itong pinagbago.

Ang kanilang banyo na high tech ay kanya ding pinakita sa kanyan ig stories kung saan mayroon itong karatula para malaman kung may tao o wala. Sa loob ng banyo ay naroon pa rin ang mga kagamitan at tanging kisame lamang daw ang naiba dito. Pati nga pintuan nito na walang door knob ay ganun pa rin daw bangit ng dalaga.

Ang kanilang kwarto kung saan naroon ang kanyang mga lumang litrato at ang kanyang hindi malilimutan na butas na cabinet.

Sa kanilang kusina ay ganun pa rin at natatawa niyang sambit ang gripo nila ay walang tubig.

Malayo na nga sa dati niyang buhay ang aktres at malaki na rin ang ibinagbago nito sa estado ng kanyang buhay ngunit makikita naman sa batang aktres na hindi pa rin ito nakakalimot kung saan siya nagmula. Kaya naman napakaraming umiidolo kay Loisa sa pagiging totoo nito sa kanyang sarili.

Panoorin ang buong youtube video na mula sa kanyang instagram stories.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending