Connect with us

Entertainment

Lucy Torres-Gomez, Ito Pala Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Na Siya Kumakain Ng Manok At Kambing

Si Lucy Marie Martinez Torres o mas kilalang Lucy Torres-Gomez ay isang Filipina actress at politician. Siya ay isa sa mga personalidad na may magandang mukha kaya marami sa atin ang nahuhumaling sa mala-anghel niyang kagandahan.

Kilala rin siya bilang asawa ng aktor na si Richard Gomez. Mayroon silang isang anak na babae, si Julianna Gomez.

Naging Representative for Leyte’s 4th legislative district si Lucy mula June 2013. Ipinanganak siya noong December 11, 1974 sa Ormoc City.

Nagkaroon rin siya ng TV commercials at naging host rin sa ilang TV shows.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko ang masayang buhay ng pamilya Gomez. Hindi rin umano mapili pagdating sa pagkain si Lucy Torres-Gomez. Kumakain siya ng kahit na ano basta walang halong kambing o manok. Ibinahagi niya noong June 21, 2021 sa isang Zoom virtual meet sa entertainment press kasama ang PEP.ph ang ilang mga pagkain na hindi niya gustong kainin.

“There are things I don’t eat talaga like kambing. Kasi we had a pet goat before, growing up. Hindi ako kumakain ng kambing.” Sabi ni Lucy.
“And then kung gaano ko ka-love ang chicken, ngayon hindi na ako kumakain ng chicken.” dagdag pa niya.

Itinuring nilang “stars” of their home ang kanilang alagang mga manok. Naibahagi niya rin na maraming mga alagang hayop ang mga Gomez sa kanilang tahanan sa Ormoc City. Sabi niya, “Kasi ang dami niyang mga hayop. At saka magkakaibigan lahat ng mga hayop niya. Nagsimula lang iyan sa dalawang bao, dalawang turtle and now may gansa, turkey, mga manok, may baboy minsan pa may bayawak.”

Pabiro rin niyang idinagdag na sabi niya sa asawang si Richard, “Minsan, sabi ko, honey, please. Huwag lang unggoy.”

Naibahagi rin nila na pinapangalanan pa umano ng kanilang anak na si Julianna ang mga alaga nilang hayop. Taga Ormoc si Lucy kaya sanay ito sa farm life. Masaya rin siya na marami ang masaya at nakaka appreciate sa kanilang life style.

Marami ang humahanga na sa kabila ng karangyaan at kasikatan ng pamilya ay pinili pa rin nila ang ganitong lifestyle. Bukod sa nakakapagbigay aliw ang mga alaga nating hayop, nakakaluwag rin sa isipan ang simple ngunit masayang pamumuhay kasama ang mga mahal natin sa buhay.

Bukod sa pamilya Gomez, may ilan ring mga artista ang mas pinili ang magkaroon ng simpleng pamumuhay.

Source: Lucy Torres-Gomez Instagram

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending