Connect with us

Entertainment

Lyca Gairanod, Emosyonal sa House Tour ng Kanyang Lumang Bahay

Naaalala nyo pa ba ang batang si Lyca na nanalo sa first season ng The Voice Kids Philippines? Ngayon, sya ay isang ganap ng magaling na singer at mayroong recording contract sa MCA Music Inc.

Bukod sa husay sa pag awit ay mahusay ding umarte si Lyca sa kanyang kauna-unahang pag-ganap sa telebisyon sa programang Maalaala Mo Kaya sa kanyang tunay na istorya ng buhay. Si Lyca Jane Epe Gairanod ay 16 taong gulang na ngayon dahil ipinanganak ito noong November 21, 2004.

Ilang taon na rin ang nakalipas simula ng nanalo ito sa The Voice at marami narin ang nabago sa kanyang buhay. Subalit kahit malayo na ang kanyang narating, hinding-hindi parin ito nakakalimot sa kanyang pinanggalingan.

Sa kanyang YouTube channel, proud at hindi nahihiyang ipinakita ng singer ang kanyang dating bahay sa Tanza, Cavite kung saan ito matagal na nanirahan at lumaki. Ang kanyang ama ay isang mangingisda at ang kanyang ina naman ay nangangalakal ng mga basura upang sila ay makain sa araw-araw.

Isang maliit at tagpi-tagping barong-barong sa gilid ng dagat ang dating tirahan ni Lyca. Makikita sa video na napakahirap ng kanilang pamumuhay. Ang kanilang bahay ay walang kwarto, at halo-halo iba’t-ibang mga kagamitan.

Kabaliktaran naman ang ipinakita ng singer. Malayong-malayo sa mga house tour na ipinapakita ng mga artista at kilalang mga personalidad.

Ang pintuan ng bahay ay nakailang ulit na umanong palitan ng mga pinagtagpi-tagping yero, at plywood. Marami nang bagyo ang dinaanan ng bahay subalit ayong kay Lyca, matatag umano at nakatayo parin ito. Kagaya lamang ng hindi nito pagsuko sa mga pangarap at nagsumikap upang makaahon ang kanyang pamilya.

Ipinakilala ni Lyca ang kanyang lola na nagpalaki sa kanya at umano ay siya ring nagpa-anak sa kanyang ina. Emosyunal na nagbahagi sa huling kwento ang lola ng singer at inalala ang mga paghihirap na dinaanan nila.

Nais man umano na kunin ni Lyca ang kanyang lola subalit napamahal na ito sa kanilang tirahan na nakasama na nila sa mga maraming unos na dumaan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending