Connect with us

Entertainment

Manny Pacquiao, nais na turuan ang mga anak ng simpleng pamumuhay at para lumaki ang mga ito na hindi matapobre

Kilalang-kilala si Manny “Pacman” Pacquiao sa buong mundo bilang isang magaling na boksingero. Nagdala ng maraming karangalan sa bansa dahil sa kanyang husay sa loob ng boxing ring. Ngunit ang lahat ng kanyang katanyagan at ang naabot na tagumpay ay hindi lamang dahil sa kanyang swerte ngunit dahil na rin sa matinding disiplina, determinasyon, at sipag ng Pambansang Kamao.

photo credit to jinkee pacquiao | ig

Bukod pa rito, isa sa mga kahanga-hanga kay Pacquiao ay ang kanyang mabuting mga prinsipyo sa buhay at ang kanyang matibay na pananampalataya.

photo credit to jinkee pacquiao | ig

Ngayon, isa sa mga maituturing na pinakamayamang pamilya ang pamilya ni Manny Pacquiao dahil sa mga napanalunan nito sa kanyang mga laban. Ngunit hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan noong na baguhan pa lamang sya sa boxing.

photo credit to jinkee pacquiao | ig

Maaring labis ang karangyaan na kanilang tinatamasa ngayon ngunit matinding hirap din ang pinagdaanan ng Pambansang Kamao. Iniwan umano sila ng kanyang ama noon at napilitan syang maghanap ng paraan upang mabuhay.

photo credit to jinkee pacquiao | ig

Kaya naman ay nais ni Pacquiao na matutong maging mapagkumbaba ang mga anak nito at nais nitong maranasan din nila ang hirap sa buhay upang magkaroon ng kababaang-loob, at pagpapahalaga sa kapwa at pakikiramay sa oras ng pangangailangan.

photo credit to jinkee pacquiao | ig

Kahit na mayroon silang kasambahay, nais ni Pacman na matuto ang kanyang mga anak sa mga gawain sa loob ng bahay at huwag maging matapobre.

Sa kabilang dako, masaya at proud naman si Pacquiao dahil umano ay wala silang problema sa kanilang mga anak at lumaki ang mga ito na may mabubuting puso, at ugali.

photo credit to jinkee pacquiao | ig

Kamakailan lang ay ipinagtanggol naman ni Manny ang kanyang anak dahil sa mga pang-bubully ng ibang netizens sa kanyang pag-rap. Ayon pa sa Pambansang Kamao ay dapat umanong tanggapin ang mga kritisismo at huwag na lamang isiping negatibo dahil hindi lahat ng tao ay magugustuhan ang ginagawa mo.

Maaalalang ipinag-aral din nila Jinkee at Manny ang kanilang mga anak noon sa GenSan kung saan ang mga silid aralan ay wala ring air conditioning unit upang matuto silang mamuhay ng simple at kontento na walang inaapakang ibang tao.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending