Connect with us

Entertainment

Mariel Padilla, ginulat ang madla dahil sa malaking pagbabago sa katawan nito

Malaki ang pinagbago ng katawan ng TV host, aktres, at modelo na si Mariel Rodriguez simula noong ito ay nagkaroon ng anak. Malaki ang naidagdag sa kanyang timbang na nagpabago din sa kanyang anyo na naging sanhi din ng pagbaba ng tingin nya sa kanyang sarili.

“I couldn’t see people when I get invited sabi ko hindi ako puwede because I’m too fat to be seen. I couldn’t go back to work I would even send my photo na okay lang ba I look like this? Hindi talaga kaya.”, banggit nito sa isang panayam sa kanya.

“Akala ko when I gave birth that I would return to normal right away I had this picture in my mind. My heaviest was not even when I gave birth, my heaviest was when I had to breastfeed Isabella for 14 months and I was at my heaviest at her first birthday party. I had to eat my way as in kahit hindi ako gutom kumakain ako, kakain ako after ko mag-pump!” dagdag pa nito.

credit to marieltpadilla | ig

At ansundan pa ang kanyang anak. Noong Nobyembre 2019 ay ipinanganak ng aktres ang kanilang pangalawang anak na si Maria Gabriela. Lalong nahirapan ang aktres dahil mas lumaki ang kanyang katawan. Naging biktima sya ng cyberbullying dahil sa kanyang anyo, ngunit hindi naman ito pinabayaan ng kanyang asawang si Robin at pinagtanggol nito si Mariel.

Samantala, ang aktres mismo ay tinulungan ang kanyang sarili upang maibalik sa dati ang kanyang katawan. Kahit mahirap ay paunti-unti itong nakakakita ng magandang resulta.

credit to marieltpadilla | ig

Kamakailan lang ay nagulat ang lahat sa mga larawan na ibinahagi ng aktres sa kanyang IG kung saan makikita ang malaking pagbawas ng kanyang timbang.

“I like valentines. Siguro kasi i am a romantic. Gusto ko yung may araw na naka laan para sa Pag Ibig. Sarap lang to make it extra special. On my YouTube channel is how we celebrated it this year”, wika ni Mariel.

credit to marieltpadilla | ig

“Last year kasi sa Isabella at Robin ang nag date, so gusto ko naman this year tayong dalawa naman. I wanted to make it extra special. At tsaka talagang dream natin to na mag date at mag dinner sa area na to ng museo”, dagdag pa ng aktres.

Labis naman na namangha ang kanyang asawa na si Robin at nagustuhan ang inihandang surpresa ng kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)

Maraming netizens ang nakapuna ng malaking pinagbago ng katawan ng aktres kaya naman ay nakatanggap ito ng maraming papuri sa kanyang mga taga hanga.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending