Si Barbie Imperial ang isa sa may magagandang mukha sa mundo ng showbiz. Marami rin ang humahanga sa kanya sa kanyang pag-arte. Ngunit bakit hindi nga ba siya naniniwala sa kasabihang ‘Love is lovelier the second time around’?

Ayon sa Kapamilya actress, wala umanong saysay ang magkakahiwalay at saka magbabalikan. Dahil kung hindi na naayos ang problema habang magkarelasyon pa ay wala na umanong saysay pa kung magkabalikan pa.
Narito ang naging pahayag ni Barbie sa isang virtual mediacon ng iWant series na Goodbye Girl noong February 14, 2022.

“Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex.”
“Dun na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nung time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat.”
“Na dun gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan.”
“Parang you had your shot.” Pahayag ng aktres.

“I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!” dagdag pa ni Barbie na sana ay huwag daw siyang abutin ng karupukan at makipagbalikan sa ex.
Pagdating sa pag-ibig, mahirap na umanong magsalita ng tapos. Mahirap na ring ibalik ang nasirang relasyon. Dahil kung desidido raw ang magkarelasyon na ayusin ang kanilang problema ay hindi na dapat ito umabot pa sa hiwalayan. Dagdag pa ng aktres.

“That’s why maganda nga na good breakup talaga. As if nag-away na kayo, siraan, ganito, ganyan, parang ang hirap magkabalikan talaga.
“Pero yun nga, ulitin ko lang answer ko. For me, nandun ka na, e, sa time na magkasama tayo, sana dun mo ginawa.
“If wala na, if big reason na ng paghiwalay namin, mahirap kasi sa akin na tanggapin yung mga bagay na nangyari.
“Parang hindi na.”

Matatandaang ang aktor na si Diego Loyzaga ang huling nakarelasyon ng aktres. Pagkakaroon naman ng boundaries para sa sarili ang pinakamahalagang natutunan niya sa pakikipagrelasyon.
“Biggest lesson ko pagdating sa love is learn to let go. Kasi minsan di na rin enough yung mahal niyo yung isa’t isa.”
“Like, if kung wala nang growth, wala na kayo naiaambag na growth para sa isa’t isa.”
“Para saan pa yung relationship if puro away, puro pangit nangyayari?”
“Kahit mahal na mahal niyo isa’t isa, kailangan talaga i-let go or else mawawala ka.” dagdag pa nito.

Kailangan niya raw bigyan ng oras ang kaniyang sarili ngayong siya ay single. Hindi rin umano kailangan na baguhin ang pagkatao para sa karelasyon.