Connect with us

Entertainment

Matteo Guidicelli, proud na proud sa mga gawang cakes ni Sarah at nais nila itong matikman din ng publiko

Maaalalang naging isang mainit na issue at kontrobersiya ang kasalan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil sa pagsisikreto nito sa ina ng singer na si mommy Divine. Naging viral din ang honeymoon ng newly wed couple noon sa isang exclusive resort sa Amanpulo sa Palawan.

photo credit to matteog | ig

Samantala, pagkaraan ng ilang buwan, naging masayang mag-asawa sina Sarah at Matteo dahil sa wakas ay nakapagsimula na din sila ng kanilang panibagong buhay na mag-asawa at magkasama sa iisang bahay. Sa kanilang pagsasama, suportado ni Sarah si Matteo at ganun din naman si Matteo kay Sarah hindi lamang sa karera nito bilang singer ngunit pati na rin sa mga hilig nito sa loob ng bahay.

photo credit to matteog | ig

Makikita sa Instagram ng aktor na mihilig din ito magluto at ganun din naman ang kanyang misis, kaya naman naging bonding time na nila ang pagluluto sa kusina, kasama na rin jan ang hilig ni Sarah sa pagbe-bake.

photo credit to matteog | ig

“I do the Italian dishes and she does the Filipino food and baking, so it’s been perfect for us”, banggit ni Matteo.

Magaling umanong mag bake si Sarah at napakasarap ng mga gawa nitong cake. Ilan sa kanyang mga ginawa ay ibinahagi ng aktor sa kanyang social media. Ayon pa rito, nais umano nilang gawing libangan at munting negosyo ang gawa nitong mga cakes.

photo credit to matteog | ig

“She does really, really good cakes. Her strawberry cake is super good.” banggit pa ni Matteo. Makikita naman sa larawan na napakasarap nito at may fresh strawberry pa na nakadisenyo sa itaas ng cake.

Kasama pa sa mga pinaka paborito at pinaka gusto ni Matteo na gawa ni Sarah ay ang Japanese souffle cheesecake, lemon blueberry buttermilk cake, at ang passion fruit coconut cheesecake.

photo credit to matteog | ig

Marami naman ang humanga sa pagmamahalan at suportahan ng mag-asawa. Sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan ay naging matagumpay sila at ngayon ay naging masayang-masaya sa kanilang buhay mag-asawa.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending