Maaring ay wala na tayong masyadong nababalitaan sa ibang mga celebrities dahil ang ilan ay apektado noong pagpapatigil sap ag-ere ng estasyon ng ABS-CBN kamakailan lang. Ngunit may ilang mga artist ana nariyan pa rin at aktibo sa kanilang mga social media accounts kagaya lamang ng Facebook, Instagram, at sa YouTube kung saan mapapanoon ang kanilang mga latest vlogs.

reallysharoncuneta | ig
Samantala, ipinasilip naman ni Mega Star Sharon Cuneta ang kanilang ipinapagawang mala mansion na bahay dinisenyo ng mahusay na architect na Conrad Onglao, ang ngayon ay partner ni Zsa Zsa Padilla na kapwa singer din at aktres. Ang contractor naman ng napakalaking proyektong ito ni Mega Star ay si Onet Limchoc.

reallysharoncuneta | ig
“Galing my workers. Everyone just works and works and in an organized manner!”, banggit ng aktres sa kanyang IG post.

reallysharoncuneta | ig
Ayon kay Sharon matagal tagal pa ang paghihintay na maaring aabot pa ng dalawang taon.
Sa isang post nito, nagbahagi ang aktres ng isang video habang nagtatrabaho ang kanilang mga construction workers. “Basement parking in our forever home halfway done! It’s under half the whole house. Am so excited that we’re moving forward! Construction started August 1 last year then my workers of course took a Christmas break”, pahayag pa ni Mega Star.

reallysharoncuneta | ig
Matibay umano ang pagkakagawa ng kanilang napakalaking bahay na kahit dumaan pa ang intensity 9-10 na lindol ay kakayanin nito.
“But basta super tibay at magaling ang pagkakagawa at pulido, mabilis lang siguro naman din lilipas ang two years. Sana din wala nang pandemya noon!” wika ng aktres.

reallysharoncuneta | ig
Samantala, noong nakaraan lamang ay ibinahai naman ng aktres ang larawan ng mga construction workers na nakapila para sa kanilang break.
“My fabulous workers being so disciplined. Also so very systematic and methodical in their work. Am so proud of them! (P.S. I did not choose their food.) 😊❤️ post pa ng aktres sa kanyang IG.
Malaking tulong din itong pagpapagawa ng malaking proyekto ng Mega Star dahil maraming construction workers ang natutulungan nya sa panahon ng pandemya.