Marami ang naghahangad ng magandang hubog ng katawan, sino ba naman ang hindi? Mas mainam ang may malusog at magandang hugis na katawan dahil ito ay nagpapakita rin ng iyong disiplina at pag-aalaga sa sarili.
Subalit, alam naman natin na hindi ito basta-basta at nakukuha sa isang beses lamang nap ag-eehersisyo o pag-inom ng kung anong gamut o inumin.

credit mellyricks09 | ig
Sa mga babae na nabubuntis at nagkakaroon ng anak, hindi maiiwasan ang pagbabago na nangyayari sa katawan. Ito ay normal lamang at lahat halos ay nakakaranas. Kung dati ay maganda ang hubog ng katawan, kapag nagbuntis ang babae, nagiging mas malaki ang katawan, mas bumibigat ang timbang, at nag-iiba ang hugis ng mga balikawang, dibdib, at iba pang bahagi ng katawan.

credit mellyricks09 | ig
Samantala, marami na rin ang nahuhumaling sa mga weight loss program na kumakalat ngayon sa social media. Marami na ang pamamaraan ng pagpapapayat o pagbabawas ng timbang.
Ang aktres at ganap ng momshie na si Melissa Ricks, ay isa rin sa mga ina na naghahanap ng paraan upang maibalaik ang dating magandang hubog ng katawan. Alam naman ng publiko na dating sexy at magandang ang aktres noong aktibo pa ito sa showbiz at wala pang anak.

credit mellyricks09 | ig
Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Melissa ang pagbabago sa kanyang katawan na nagbawas umano ng halos 20 pounds ang kanyang timbang. Makikita sa kanyang mga larawan ang malaking pagbawas sa laki ng kanyang tiyan.

credit mellyricks09 | ig
Ayon sa celebrity mom, may isinusunod umano syang meal-plan o diet, regular nap ag-eehersisyo, tamang tulog, at sa tulong ng kanyang iniinom na pampabawas ng timbang.
Sa kanyang Instagram, “Talking Weightloss, Health, Happiness, life and @gmaxketoph 💚Hope to share with you something that helped me with my weightloss and health💚 They are on a special SALE and additonal 10% off using my code “MELISSAKETO” caption nito.

credit mellyricks09 | ig
Maaring nahihirapan ka man ngayon sa pagbabawas ng timbang, ngunit ang disiplina at determinasyon ay isang malaking tulong na mas epektibo pa sa anumang inumin. Wastong pagkain, ehersisyo, at pag-iiwas sa mga pagkain na nakakadagdag sa timbang at laki ng katawan.