Connect with us

Entertainment

Melissa Ricks Masaya at Kontento na Itaguyod ang Kanyang Anak Bilang Single Mom Kapalit ng Kanyang Karera sa Showbiz

Nakilala si Melissa Ricks sa Star Circle Quest Season 1 noong 2004, kasabay sina Hero Angeles, Sandara Park, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, at iba pa. Nanalo ito bilang 4th runner-up.

Bumida si Melissa sa ilang mga programa sa ABS-CBN kagaya ng Komiks Presents: Da Adventures of Pedro Penduko, at sa primetime drama series na Iisa Pa Lamang.

photo credit to mellyricks09 | ig

Nagkaroon din ng maraming proyekto ang aktres subalit pagkaraan ng ilang taon ay bigla itong nawala sa industriya ng showbiz dahil sa ilang pangyayari sa kanyang buhay.

Hindi isinapubliko ng aktres ang kanyang pagbubuntis at pagsilang sa anak na si Kiera, ngunit napag-alaman na mag-isa lang nitong itinataguyod ang anak dahil hindi nag work-out ang relasyon sa ama ng bata.

photo credit to mellyricks09 | ig

Ayon sa aktres mas pinili nitong maging fulltime mom upang maibigay ng buo ang atensyon at oras sa pag-aalaga sa anak kahit pa mawala ang karera.

“Will marrying someone solve my problem or will it make it worse? Case to case basis kasi yan e. Depends on your partner. For me, I took that choice of leaving and letting it go because I thought it was best for me and my daughter”, kwento ni Melissa sa isang panayam.

photo credit to mellyricks09 | ig

Sa kabila ng mga payo sa kanya na makipag-ayos sa dating kasintahan ay mas pinili nitong palakihin ang anak na mag-isa.

“Right now, hindi pa rin ako tumatanggap [ng project] because I’m trying to work on my weight. Hopefully maabot natin ang dapat nating maabot, and then I’ll probably be ready to go back,” wika nito.

photo credit to mellyricks09 | ig

“Meron namang mga offers na guestings and stuff like that, pero I want to come back a better and a new me. So hintay-hintay na lang muna,” dagdag pa nito.

Inamin ng aktres na hindi naging madali ang pinagdaanan nito sa pag iisa sa pagtataguyod sa anak subalit ibang tuwa at fulfilment ang kanyang nadarama dahil nalagpasan umano nito ang mga hamon sa buhay.

photo credit to mellyricks09 | ig

Wika pa ng aktres na mas dapat pahalagahan ang pagmamahal sa sarili bago ang ibang tao.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending