Buwan ng Oktubre ang National Breast [email protected] Awarenes Month kaya naman ating itatampok ang matatapang at naging inspirasyon na mga kilalang personalidad na lumaban sa saket na Big C. Sadyang napakahirap ng saket na ito para sa mga kababaihan at naitala nga sa ating bansa na isa ito sa nangungunang saket na ikinalilisan ng ating mga kababayan sa mundo.
Kaya sana magbigay inspirasyon ang ilang personalidad na ito na nagawang labanan ang kanilang karamdaman at maayos na napagtagumpayan ito.
Maritoni Fernadez

Kasikatan noon ng aktres na si Maritoni ng mapag-alaman nito na may bukol siya sa kanyang dibdib, na isa na palang Big C. Edad na 30-anyos ng ito’y kanyang madiskubre at upang gumaling sumailalim ito sa gamutan sa ibang bansa kung saan inalis ang bukol sa kanyang dibdib. Sa ngayon si Maritoni ay spokesperson para sa mga breast [email protected] patients at survivors sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Glenda Garcia

Ang batikang aktres na si Glenda Garcia ay nadiskubreng may big C noong taong 2013. Sinasabing nasa stage 0 pa lamang ito ngunit napagpasyahan nito na ipatanggal hanggat maaga pa.
Bibeth Orteza Siguion-Reyna

Ang beteranang aktres at manunulat na si Bibeth ay tinamaan din ng ganitong uri ng karamdaman kung saan ipinatanggal nito ang lahat ng kanyang suso. Balitang hindi agad ito nakitaan ng sintomas kaya naman umabot pa ng stage 3 ang nasabing karamdaman. Nakumpirma lamang ito ng magpa-secong opinyon siya.
Lara Melissa de Leon

Ang aktres na si Lara Melissa ay dinapuan naman ng stage 2B ng kaparehong sakit ng mga nauna at nagdesisyon na rin na sumailalim sa mastectomy (pagtanggal sa breast).
Angelina Jolie

Ang sikat na hollywood aktres na si Angelina Jolie ay nagpasailalim sa gamutang reventive double mastectomy noong taong 2013. Dahil na rin ang kanyang nanay, lola, at tita ay namaalam sa ganitong uri ng karamdaman. Hindi pa man tuluyang na-diagnosed ang sikat na aktres minarapat na niya itong agapan dahil na rin sa rekomendasyon ng kanyang doktor at sinabing 87 porsyento ang tyansa nitong magkaroon.
Lahat naman ng nabanggit ay naka-survive sa nasabing saket. Mahirap talaga magkaroon ng Big C, ingatan na lamang ang ating sarili lalo na sa mga pagkain sa paligid. Syempre ang mabisang gamot ay ang pagdarasal sa poong Maykapal.