May mga bagay sa ating nakaraan ang minsan ay ayaw na nating pag-usapan, maalala o makita. Lalong-lalo na ang mga lumang larawan na nagpapakita ng dati nating kaanyuan bago pa ang ating great transformation at make-over.


Kung ating ibabalik ang nakaraan ay marami nga tayong hindi na maibubura na mga larawan dahil wala pang “delete”or “edit” sa mga camera na ginagamit dati. Kaya naman hindi tayo makakalusot sa mga candid na litrato na nakuha sa atin.

Kung mayroon man tayong mga baduy o ‘jeje’ na ichura noon, ay mayroon din naman ang sikat na sikat na si Liza Soberano. Hindi nya ito maide-deny dahil kitang-kita ito sa mga larawan na kumalat.

Makikita sa mga litrato na pala-kaibigan itong si Liza, at madalas na sya ang may hawak-hawak ng camera upang mag selfie o mag groupfie.

Sa kanyang pag-guest sa programa sa ABS-CBN na “Magandang Buhay”, nagulat ang aktres sa mga litrato na nagpapakita ng kanyang kabataan lalo na noong sya ay high school pa lamang. Kahit medyo nahihiya ang aktres ay tinawanan nalang ang mga litrato.

Natawa ang aktres dahil halos sa lahat ng mga pictures ay iisa lang ang kanyang hairstyle at hindi ito nawawalan ng bangs, kung saan ito ang usong-uso noon. May larawan din na sya ay naka ‘pout lips’ at ‘peace sign’ na talaga namang nagpapakita ng mga ‘jeje days’ nito.

Dati pa lang ay talagang angat na ang kagandahan ng aktres sa kanyang mga kababata at kaklase. Kahit na simple lamang ang suot nito at kahit hindi man naka make up o naayos ang buhok, makikita na maganda talaga ito.
Mayroon ding litato na sumali si Liza sa isang beauty pageant sa Miss Intramuros kung saan sya ang naging representative ng kanilang year level. Ayon sa aktres ay pinilit daw sya umano ng kanilang adviser at nahihiya talaga ito humarap sa maraming tao. Ngunit, nanalo parin ito sa pageant.

Masaya ngang balikan ang mga ganitong pangyayari sa nakaraan lalo na kapag ito ay nakita sa mga lumang larawan.