Mangilan ngilan na rin ang napapabalitang mga artistang nakakapagpundar ng mga sasakyan, Negosyo o bahay at lupa. Investment na kung saan ay magagamit nila o ng buong pamilya. Bakas ng kanilang hirap, pagod at sakripisyo sa larangan o trabahong kanilang napili.
Nito lamang nakaraan ay ikinatuwa ng netizens ang vlog na ipinakita ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Bumiyahe ang dalawa upang makita ang malapit ng matapos na bahay na kanilang ipinapagawa.

“On our episode today, pupunta tayo sa bundok para silipin ang aming mountain hideaway. 7 months ago, nagsimula ang construction ng aming bahay para sa aming lumalaking pamilya and now Samahan niyo kami bisitahin ang aming future home.” Wika ng dalawa.
Bihira sa mga artista ang pumipiling manirahan sa bundok ngunit ang mag-asawa ay mas nais ang lugar na ganito. Sino nga ba naman ang hindi masisiyahang mamuhay sa kabukiran. Tahimik, sariwa ang hangin at maging ang mga pagkain na dahilan upang mas piliin ng dalawa ang mountain hideaway na ito.

Nalalapit na ang paglipat ng mag-asawa kasama ang kanilang dalawang anak. C Jazz na anak ni Jennylyn sa dating kasintahan na si Patrick Garcia at si Calix naman ay anak ni Dennis kay Carlene Aguilar. Sa bahay na ito ay may hiwalay na kwarto ang kanilang dalawang anak.
Ikinagulat din ng lahat ang simpleng engagement nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado nito lamang Oktubre. Hindi na din nila pinatagal pa ang kanilang kasal na iginanap nitong November 15,2021 sa studio ng aktres na si Kathryn Bernardo sa Quezon City.

Sunod sunod na biyaya ang natatanggap nina Jennylyn at Dennis sapagkat nag anunsyo din ang dalawa na madadagdagan na ang miyembro ng kanilang pamilya sapagkat nagdadalang tao na si Jennylyn. Ikinatuwa ito ng lubos ng dalawa at maging ng mga anak dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng baby sister.
Matagal ding hinintay ng dalawa ang pagkakaroon ng anak ngunit talagang hindi pa sila binibiyayaan noon. Napabalita ding ngdesisyon ang dalawa na pumunta sa America para subukan ang surrogacy ng may kakaibang maramdaman si Jennylyn.

“Parang ang galing lang ng timing dahil nangyari pa rin yung gusto naming sa natural process talaga. Halo-halong emotions iyong naramdaman ko. Natakot ako para sa kaniya kasi mag-isa lang siya doon. Health niya iyong una kong naisip syempre., tapos kung papano ako makakatulong sa kanya kahit malayo ako”, kwento naman ni Dennis.

Kapag talagang nakatadahan na ang isang bagay para mangyari sa tao, mangyayari ito. Tiwala lang sa itaas!
Source: Jennelyn Mercado Instagram