Marami sa atin ang nakakakilala kay Mr. Bean. Lalong lalo na ang mga batang ’90s. Isa si Mr. Bean sa nagbigay ng kaligayahan sa ating childhood days. Kasa-kasama niya palagi ang kanyang stuffed toy na si Teddy.
Si Mr. Bean o Rowan Sebastian Atkinson ay mula sa Consett, County Durham sa United Kingdom. Doon siya ipinanganak noong January 6, 1955. 67 taong gulang na ngayon si Mr. Bean. Bunso naman sa apat na magkakapatid ang comedy legend.

Siya ay nag-aral sa Oxford at Newcastle University sa United Kingdom. Si Rowan Atkinson ay nakapagtapos ng Masters Degree in Electrical Engineering.
Sa kabila ng natapos na kurso, mas hilig pa rin ni Rowan ang pagiging comic actor at ang pagsusulat. Sumikat noong ’90s ang kilala nating si Mr. Bean.

Ikinasal si Rowan kay Sunetra Sastry noong 1990 ngunit nagdiv0rce din sila noong 2015. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Muli naman siyang umibig at ikinasal muli kay Louise Ford na isang British actress/comedienne. Nagbunga naman ang kanilang pag-iibigan ng isang anak. 26 years ang agwat ng kanilang mga edad ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.
Marami ang natuwa sa kanyang karakter bilang si Mr. Bean. Kinagiliwan ito ng mga batang ’90s dahil nakakatuwa ito kahit hindi nagsasalita.

Marahil lahat ng nakapanuod sa kanya ay talaga namang napasaya ng kanyang karakter noon. Bata man o matanda ay tuwang-tuwa dahil sa kanyang mga kilos at facial reactions. At dahil nga sa tagumpay ng palabas na Mr. Bean, ginawan ito ng animated TV series na noon ay ipinalabas din sa ABS CBN.
Hindi na masyadong napapanood si Rowan Atkinson ngayon dahil ito ay nagretiro na bilang si Mr. Bean. Matapos ang halos tatlong dekada ng pagpapasaya niya sa atin ay napagdesisyunan niya nang magretiro.

Ngunit palaisipan sa iba kung bakit hindi nga ba nagsasalita ang kanyang karakter na si Mr. Bean. Ayon sa kanya, naging inspirasyon niya ang isang karakter sa comedy show sa France na sa pamamagitan lamang ng kanyang mga kilos naipapadaan ang pagpapatawa at ang nais na iparating nito.
Mananatili naman sa ating mga alaala at sa ating puso ang sayang naidulot ni Mr. Bean. Hindi man natin ito napapanuod na sa ngayon ngunit ang mga ngiting naiguhit nito sa ating mga labi ay tunay ngang hindi natin malilimutan at habang buhay nating aalalahanin.
Image Credits : Rowan Instagram and Google