Connect with us

Entertainment

Naalala pa ba ninyo si Ana Roces, Heto na siya ngayon at Nanatiling bata ang Itsura sa Paglipas ng Panahon

Sinong 90s na mga sikat na aktor at aktres ang tumatak sa iyong puso’t isipan? Naaalala mo pa ba ang aktres na si Ana Roces o si Marinela Adad-Baterina sa tunay na buhay? Siya ay isa sa maituturing na pinakamagandang mukha noong 90s dahil sa kanyang mestiza beauty. Siya ay napabilang sa mga casts, o hosts ng sikat na sikat na variety show noon na That’s Entertainment.

photo credit to ana_roces | ig

Noong 1992, bumida ang aktres sa pelikulang “Alabang Girls” na pinagbibidahan ng sikat na rapper na si Andrew E. Nasundan din ng isa pang pelikula noong 1994 na pinamagatang “Oo Na, Sige Na” kung saan katambal ng aktres si Robin Padilla.

photo credit to ana_roces | ig

Pagkalipas ng ilang taon, lumagay sa estado ang aktres at nagkaroon ng anak at ito ang naging dahilan upang maging komplikado na ang kanyang oras sa showbiz. Minabuti nito na magpokus nalang muna sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang unang anak. Subalit pagkalipas ng dalawang taon, napabalitang itinapos umano ng aktres ang kanyang relasyon sa kanyang unang asawa.

photo credit to ana_roces | ig

Minabuti ni Ana Roces na bumalik muli sa mundo ng showbiz at dahil sa kanyang angking galing, at kagandahan, mabilis itong nakakuhang muli ng mga proyekto at isa sa mga naging mahusay na talent ng Viva Films, at may mga proyekto sa magkabilang estasyon.

photo credit to ana_roces | ig

Isa sa mga kapansin-pansin sa aktres ay ang magandang mukha nito na tila hindi tumatanda ang itsura, bagkus ay lalo pang nagmumukhang bata sa kanyang edad na 44. Dahil sya ay may lahing Lebanese, angat ang kanyang mukha sa iba at lalo pang gumaganda sa harap ng kamera.

photo credit to ana_roces | ig

Makikita sa mga throwback na mga larawan ng aktres ang napaka-amo nitong mukha noong siya ay bata pa lamang at may malaking pagkakahawig sa kanyang panganay na anak na si Carmela.

Samantala, marahil is ana rin sa mga nagpapa-blooming sa aktres ang kanyang love life sa kanyang bagong asawa na si Atty. Trandy Baterina, lawyer sa Ilocos Sur.

photo credit to ana_roces | ig

Lumipas man ang mahabang panahon, ngunit itong si Ana Roces ay hindi pa rin kumukupas sa mundo ng showbiz. Marami pa rin itong mga proyekto pati na rin mga endorsements.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending