Marahil ay isa ka na rin sa napaiyak ng palabas na Miracle in Cell No. 7, at tumatak sa iyo ang mukha ng mag-ama na talaga namang parang totoong pangyayari ang kanilang mga pag-ganap sa kanilang mga karakter.

Ang Miracle in Cell No. 7 ay isang Korean comedy-drama film na unang ipinalabas noong taong 2013. Ito ay naging isang Box Office Hit na umabot ng $80 milyong dolyar ang kinita. Talaga nga namang tinangkilik at naibigan ng mga tao ang pelikula.

Ang kwento ay umiikot sa istorya ng mag-ama na sina Yong Goo (Ryu Seong-ryon) at Ye-seung (Kal So-won). Si Yong Goo ay “mentally challenged” na mag-isang itinataguyod at binubuhay ang anak na si Ye-seung.

Noong umpisa ay masaya at mapayapang namumuhay ang mag-ama ng biglang isang araw ay mag batang aksidenteng nadulas at natama ang ulo sa matigas na bagay na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nakita ito ni Yong Goo at sinubukang tulungan ang bata sa pamamagitang ng paghubad sa damit nito at e-resuscitate ngunit akala ng nakakita sa kanya ay ginahasa nya ito. Dahil walang sapat na kakayanang ipagtanggol ang sarili at hindi makapagsalita ng maayos, kinasuhan si Yong Goo sa salang hindi naman nito ginawa.

Ikinulong si Yong Goo at palihim na nakakapasok sa kulungan ang kanyang anak na si Ye-seung. Hanggang sa lumaki na ito at nangarap na maging isang abogado upang maipagtanggol ang kanyang ama at mapawalang sala.

Kinilala ang dalawang bida sa kanilang mahusay nap ag-ganap sa pelikula. Nakatanggap pa sila ng ilan pang mga proyekto.

Makalipas ang ilang taon, ang batang aktres na si Kal So-won, ngayon ay 14 taong gulang na. Gumanap din sya sa “The Legend of the Blue Sea” at “Korean Odyssey”. Marami ang nagulat sa kanyang kagandahan ngayong isa na syang dalaga. Sa kasalukuyan ay bahagi ng YG Entertainment ang Korean actress at aktibo pa rin sap ag aartista.