Connect with us

showbiz

Naalala paba ninyo si Ana Capri, Ganito na pala ang kanyang naging buhay ngayon matapos pansamantalang lisanin ang showbiz

Hindi habang buhay ang pag-aartista ika nga nila. Maaaring ngayon ay sikat ka ngunit isang araw ay hindi na rin. Marami na sa mga kilalang aktres noon ang halos hindi na rin nakikita sa mga telebisyon ngayon. Ngunit, nasaan na nga ba sila?

Noong dekada 90 ay may isang aktres na kilalang kilala dahil sa kanyang tanyag na kasexyhan at kagandahan. Naging pantasya din siya noon ng mga kalalakihan. Ito ay ang aktres na si Ynfante Avanica o kilala bilang si Ana Capri. Karamihan sa mga nagiging sikat ay puhunan ang kanilang ganda,talion at balingkinitang katawan na kagaya na lamang ni Ana Capri. Kaliwa’t kanan ang mga proyekto noon ng aktres na gaya lamang ng “Sa Paraiso ni Efrem”, “Nag-iinit na Damdamin”, “Pila-Balde”, “Bakat”, at madami pang iba.

Dahil sa kanyang balingkinitang katawan ay madalas ang daring roles ni Ana Capri na nagging daan upang siya ay mas lalong mahasa sa larangang ito. Matatandaan ding siya ay nakatanggap ng Best Actress Award sa mga pelikulang kanyang ginagampanan. Matatandaang ang huling hit series na kanyang kinabilangan ay ang Nagyon at Kailaman na pinagbibidahan nila Julia Barreto at Joshua Garcia sa ilalim ng ABS CBN. Ngunit nasaan na nga ba si Ana Capri?

Ngayon ay tahimik at masayang namumuhay ang aktres kasama ang kanyang asawa na si Dave, isang Australian businessman. Ikinasal sila Noong May 13,2019 sa Australia. Nagkaroon sila ng isang gwapong anak na namana sa tatay ang pagiging foreigner lalo na ang kanyang matang ngaagawa green/blue/gray ang kulay. Naging usap usap si Ana Capri ng mga nitizens kung kaya’t hindi na din napigilan ng mga ito na tanungin ang aktres kung may balak pa itong bumalik sa Showbiz.

“Acting is a big part of me. It’s who I am. I believed I have worked my way that I established myself well enough to be able to have the time for a new chapter naman ng life. For now, I am wanting to enjoy being a wife,” kwento ni Ana sa kanyang interview sa PUSH.
Ayon naman sa mga nitizens:

 

“Ohh wow! Super kyooottttt! Kaya pala di na kita nakitang active sa mga teleserye. Hopefully bumalik ka pa din pag laki ni baby”, @diyamniyog
“Madam kakaiba po ang bloom at ganda mo ngayon.. fresh na fresh. Yung baby mo naman parang pwedeng maging artista dito sa Pinas yan pag laki, mukhang maraming papaiyakin na babae yan ah. Joke lang po!”, @thearistotle

“Kumusta na ang best actress ng pinas? Sana bumalik ka na sa pagarte, nami-miss na naming ang galling mo pero kung masaya na ang buhay mo jan sa Australia, go lang. Mas importante ang pamilya at walang hihigit pa jan. ingat po lagi.” @kuyavito

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending