Naaalala nyo pa ba si Giselle Toengi o mas kilala sa tawag na G-Toengi? Kung batang 90s ka ay marahil kilala mo siya at baka ng isa ka sa kanyang mga tagahanga.

Si Giselle Ann Toengi-Walters ay isang dating aktres na namayagpag ang karera noong 90s. Maraming mga programa ang kanyang kinabilangan at maraming proyekto ang kanyang ginampanan. Iba’t-ibang roles sa pelikula at palabas sa telebisyon. Ilan sa kanyang mga palabas ang Aryana, Istokwa, at Luksong Tinik.

Subalit sa gitna ng kanyang katanyagan, ay biglang naglaho ang aktres sa industriya ng showbiz, at walang nakakaalam ng tunay na dahilan ng kanyang pagkawala.
Pagkalipas nga ng dalawampung taon, ay ibinahagi ni G-Toengi ang dahilan ng kanyang pag-alis sa showbiz. Sa isang panayam sa pamamagitan ng video call interview ni Vanessa del Moral, itinanong nya ang dating aktres. “Yung nga 90s “it girl”, dere-deretso, tuloy-tuloy ang project, sobrang sikat na sikat, why leave and stop showbiz?”

“That’s a hard question Vanessa because I didn’t understand it 20 years ago when I left. But now when I’m older I understand that there were things that just didn’t feel right”, sagot naman ni G-Teongi.
“Ang ibig sabihin lang nun maski sikat ka maski may trabaho ka, pag alam mong hindi yun yong mga bagay na magfu-fulfill sayo… It wasn’t material, it wasn’t superficial. It was I didn’t understand the disparity in the Philippines on why andaming naghihirap at ang daming umaalis ng bansa”, dagdag na ng aktres.

Marami umanong nangyari sa aktres, kagaya ng pagkawala ng kanyang ina at pagiging single mom nito na itinaguyod ang mga anak.
Sa gitna ng kanilang interview ay napaiyak si Vanessa dahil hinangaan nito ang katapangan at lakas ng loob ni G-Toengi na lisanin ang yumayabong na karera at kasikatan sa showbiz.

Sabi umano ng aktres, mag mga pinanghinayangan din ito subalit hindi mga materyal na bagay ang importante sa buhay.