Kung mayroong isang aral na naidulot ang pandemya sa bawat tao sa saan mang sulok ng mundo, iyon ay ang pagiging pantay-pantay. Hindi exempted ang may maraming pera upang hindi dapuan ng sakit na naging pandemya at nagdulot ng krisis sa buong mundo.
Bukod sa krisis pangkalusugan, malaking epekto din ang naidulot ng pandemya sa ekonomiya. Marami ang nawalan ng trabaho, at hanapbuhay. Subalit hindi ito katapusan ng buhay para sa lahat.

image by nadinesamonte | ig
Likas na matapang at madiskarte ang mga Pinoy. Nakakahanap ng maraming paraan upang mabuhay at makasurvive sa anumang hamon na dumating. At dahil limitado ang paglabas lalo na sa matataong lugar, naging isang malaking tulong ang pag-online selling.

image by nadinesamonte | ig
Samantala, walang masama sa pagtitinda online lalo na kapag ito ay makakatulong sayo at sa mga taong nangangailangan ng iyong mga paninda. Hindi ito ikinakahiya ni Nadine Samonte. Naging usap-usapan ang kanyang post kamakailan lang dahil ibinahagi nya na siya mismo ay nagtitinda nadin online ng mga tuyo.

image by nadinesamonte | ig
Marahil ay hindi ito magandang balita sa ilan ngunit ayon sa aktres ay personal nyang gusto ang mga tuyo kaya’t minabuti nya din ang pagnenegosyo nito, at wala umanong masama dito. Hindi naman maikakaila na hindi sa lahat ng oras ay mayroong proyekto at trabaho ang mga katulad nyang artista. Kaya’t kahit papaano ay nakakatulong ang kanyang drief fish online business lalo na sa panahon ngayon.

image by nadinesamonte | ig
Wika pa ng aktres, masarap ang kanyang mga paninda kagaya ng dilis, danggit, dried pusit, at palad flakes. Mabilis umanong maubos ang kanyang paninda kaya’t ina-update nya sa kanyang social media accounts ang mga susunod pang mga parating na orders.

image by nadinesamonte | ig
Si Nadine ay nagsimula bilang kalahok ng isang talent show sa GMA na Starstruck. Nagkaroon na din sya ng maraming pelikula at palabas sa TV. Kahanga-hanga ang kanyang galing sa pag-arte at ngayon naman ay nakakabilib ang kanyang diskarte sa buhay. Ang ipinakita nito ay lalong nakaka-inspire sa mga online sellers na walang dapat ikahiya sa pagtitinda.