Hindi na talaga matatawaran ang kayamanan tinatamasa ni Jinkee Pacquiao at ng kanyang pamilya, nagmula sa wala hanggang sa maabot ang rurok ng tagumpay mula sa pagsisikap na dugo’t pawis ang puhunan. Kaya naman anuman ang tinatamasa ng kanilang pamilya sa ngayon ay talagang deserving sila.
Madalas nga nalulula nga mga netizens sa mga post ni Jinkee sa kanyang mga OOTD o Outfit Of The Day dahilan nga ito magkaroon ng sari saring reaksyon mula sa mga netizens. Halina’t ating silipin ang mga koleksyon o ari-arian ni Jinkee na talaga namang nakakalula sa mahal at ganda nito.
Chanel

imahe mula kay jinkee pacquiao | ig
Kamakailan lamang ay nag post si Jinkee suot ang kanyang Chanel necklace na nagkakahalaga ng Php123K , talaga namang agaw atensyon ang nasabing kwentas na gawa sa kakaibang meta at perlas. Si Jinkee ay mayroon din Chanel na damit kung saan may halaga itong $3,000 o nasa php150K, ang nasabing Chanel dress ay sinuot ni Jinkee noong laban ng kanyang asawa kay Thurman.
Bags Collections Hermes Birkin bag, Hermes Kelly Ghillies Bag and Goyard Handbag

imahe mula kay jinkee pacquiao | ig
Halos mamahalin at magaganda ang mga bag na nabanggit, karamihan sa mga ito at gawa sa bata ng ahas o di kaya ay buwaya. Ang pinamahal na bag sa kanyang koleksyon ay ang Hermès Himalaya Birkin na may halagang $300,000 or P15M sa pera natin.

imahe mula kay jinkee pacquiao | ig
Minsan pa nga naitanong si Jinkee kung alam ba daw ni Manny ang mga presyo ng bags niya, heto naman ang sagot niya: “Ay hindi, minsan hindi niya alam ‘yung mga price ng mga bag ko. Minsan nalalaman na lang niya sa iba. ‘Mahal pala ‘yan! Meron ding ganyan si Jinkee ha,’ Ganon siya.” Dagdag pa niya ang karaniwang laman lamang ng mga ito ay make-up, tissue, handkerchief, wallet and cash.

imahe mula kay jinkee pacquiao | ig
Make Up, Perfume Collections

imahe mula kay jinkee pacquiao | ig

imahe mula kay jinkee pacquiao | ig
May koleksyon din ng mga branded na pabango ang Jo Malone, Marc Jacobs, Bvlgari, Tory Burch, Tom Ford at Calvin Kleinang. Sobrang mahal din ng lipstick collection niya gaya ng Velvet Mattes at Sheer Voile formula.

imahe mula kay jinkee pacquiao | ig
Samantala, tunghayan ang komento ng ilang followers ni Ms. Jinkee
“Presyo ng cellphone ko, presyo ng lipstick niya!”
“Inggit much… sana afford ko rin yan”
“OMG! K-beauty din ang gamit ni Madam!”
“Pwede nang di ako lumabas ng bahay kung ganyan ang make-up room ko…”
“Arbor naman kahit isang Jo malone lang pow”
Kung ating titingnan titingnan ang karangyaan mayroon si Jinkee ay maituturing na inspirasyon sa iba, ngunit hindi naman lahat ganito ang pananaw may ilang netizens pa rin ang pumupuna at dapat respetuhin na lamang natin ang kanilang opinyon patungkol dito.