Connect with us

Entertainment

Napakaganda at Napakalawak na Private Resort ng Pamilya Pacquiao Ipinakita ni Jinkee

Sino naman kaya ang hindi mangangarap na maging isang kapamilya ng pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao?

Naging trending madalas ang mga posts ni Jinkee sa kanyang mga social media accounts na nagpapakita ng kagandahan ng kanilang pamumuhay. At naging trending din ang latest post nito ng kanilang private resort sa probinsya ng Sarangani sa Barangay Taluyan, Glan.

“Sa lahat ng mga nagtatanong, ito na yon, I’m not bragging for anything na mayroon kaming ganito. Request nyo naman ito so e-tour ko kayo dito”, sa panimulang pagbati ni Jinkee sa kanyang YouTube channel. Ayon sa kanyan iyon daw ang kanilang pinaka-unang resort.

Ang resort ay ipinagawa ng pamilya Pacquiao 7 na taon na ang nakaraan. Ang resort ay napakalaki at nahahati sa dalawang villas. Ang Villa 1 ay para sa Jamora Family at ang Villa 2 naman daw ay para sa Paquiao Family. Makikita din ang kanilang rest house sa resort na napaka elegante at napakaganda.

Nilibot ni Jinkee ang buong parte ng resort kung saan nandoon din ang kanyang mga pamilya na nagbabakasyon. Punong-puno din ng halaman ang resort at may maganda at malapad na pool area.

Asul at puti ang kulay ng mga kagamitan kagaya ng mga furniture, kurtina, kama at iba pa. Mapapansin din sa video na mayroong mga picture frames ng mga endorsements ni Jinkee ang nakalagay sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang rest house sa villa. Ipinasilip din ni Jinkee ang kanilang master’s bedroom at ang walk-in closet.

Mayroon din silang gazebo na nakaharap sa dagat na ayon kay Jinkee ay meeting place ng pamilya sa kanilang pag Bible study at pag worship sa Panginoon.

Mapapansin nga ang pagiging malapit sa Diyos ng pamilya Pacquiao at palagi nilang ibinabahagi ang kanilang pananampalataya na naging sandigan nila sa buhay.

Napaka relaxing at nakakawala ng stress ang palibot ng resort na malayo sa polusyon at ingay ng buhay sa metro at city.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending