Matapos ang kontrobersya sa Barretto sister sinabi ni Ai Ai na ayaw nya makisalo sa gulong ito, dahil baka pati siya ay mabash pa ng mga netizens.
“Naku, maba-bash lang ako. Buti nga nu’ng panahon namin ni Miguel Vera, wala pang social media dahil kung meron, ako na ang superstar sa social media dahil sa bashing sa kalokahan ko! Ha! Ha! Ha!” – Pahayag ni Ai Ai sa isang interbyu ng pumirma ito ng bagong kontrata sa kapuso network.

Halos alam naman ng mga tao ang naging kabit sya noon ni Miguel Vera ang ama ng dalawa nitong anak, sa relasyong ito tumagal ito ng halos pitong taon at nauwi lamang sa hiwalayan. Narito ang ilang pahayag ng Queen of Comedy ng Philippine showbiz, tiyak kahit papaano may mapupulutan kang aral sa mga salitang bibitawan ni Ai Ai.

“Crayola ako nang Crayola (iyak nang iyak). Mahirap! Siyempre kung ano lang ang time para sa ‘yo yun lang ang ibibigay,”
“Doon ko lang naranasan maging Cavite City (kabit). Hindi ko pa rin naman alam. Alam ko na noong huli pero ginusto ko pa rin so, mali pa rin ako.”
Pag-amin pa niya, “Wala akong peace of mind. Hindi rin naman siya sa ‘yo umuuwi. Sa tunay na asawa pa rin naman siya umuuwi. Mas okey na ‘yung magkaibigan kami. Tahimik. Hindi na ako nakukunsiyensya.”

Kaya naman nasabi ng batikan komedyante na huwag natin silang husgahan dahil na rin ito sa kanyang mahabang karanasan sa ganitong uri ng relasyon.
“Tao rin naman ‘yan, eh. Saka mahirap pag nandoon ka sa sitwasyon na ‘yon lalo na kapag minahal mo ang isang tao.
“Mahirap kumawala sa mga taong mahal mo. Kahit gusto mo, an hirap-hirap, di ba?” sambit pa ng Comedy Queen.
Sa ngayon lubos ang pasasalamat ni Ai Ai at itinuturing niyang blessing ang relasyong mayroon sila ni Gerald Sibayan. Matahimik at payapa walang iniisip na hindi maganda.