Connect with us

Entertainment

Natatandaan paba ninyo ang batang gumanap na Prinsepe Cedie noon, Ito na siya ngayon

Isa sa mga bumuo ng ating kabataan noon ay ang mga palabas kagaya ng Pricess Sarah at Prinsipe Cedie. Parehong kapupulutan ng aral at talaga namang titimo sa ating mga puso’t isipan. Madalas pa nga isguro’y atin itong ginagaya sa ating mga laro. Kasabay ng ating pagtanda ay ganoon rin sila. Ang iba marahil ay nakikita pa nating nagpatuloy sa pag-aartista at ang iba naman ay mas piniling magtrabaho o mamuhay ng tahimik. Ngunit, kamusta na nga kaya si Tom Taus o nakilala bilang si “Prinsipe Cedie”?

Kung ikaw ay batang 90’s ay talaga nga namang makakarelate ka kay Cedie. Kinagiliwan ito noon hindi lamang ng mga kabataan kundi kahit ang mga matatanda din. Sa kanyang maamong mukha at galing sa pag-arte ay talagang tinangkilik siya at kinagiliwan ng mga nitizens noon. Ngunit sa kabila ng patuloy na pagtunog ng kanyang pangalan sa showbiz ay mas pinili ng aktor na magkaroon ng tahimik na buhay sa labas ng industriya ng showbiz.

Sa patuloy na pamumuhay ng aktor ay hindi niya rin akalain na dito pala niya makikita ang kasiyahan na nais niya. Siya ay isa ng DJ at Drummer ngaun sa US. Siya rin ay minsan ng nakita sa DJ MAG SEAN sa South East Asia at makikita sa iba’t-ibang festivals kagaya na lamang ng ULTRA sa Japan at Korea. Dito rin niya nakasama ang mga kapwa niya sikat na DJ din na sina Martin Garixx,Avicii, Alesso, Armin van Buuren, Tiesto, Hardwell, Swedish Mafia House, at Skrillex na sikat din sa larangang ito.

Hindi sukatan ang pagiging artista para masabing sikat at masaya ka. Minsan mas nakikita mo ang hinahanap mo sa pamumuhay mo sa ibang mundong tinatawag na “Pangarap”.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending