Minsan may mga pangyayari sa mundo na hindi naman natin ninanais ngunit dumarating, at nagyayari kagaya lamang ng mga bagyo, problema sa panahon, climate change, pagtaas ng mga bilihin, krisis sa ekonomiya at politika, pati narin ang krisis na dulot ng pandemya na nagsimula kamakailan lang.
Marami ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay. Marami ang nahirapan dahil sa hindi inaasahang krisis na kumitil sa maraming buhay at hanggang ngayon ay mas marami pang nalalagay sa peligro.
Subalit ang tao ay may likas na kakayahan upang makapaghanap ng paraan upang mabuhay. Ang bawat isa ay may taglay na ‘survival instinct’. Kapag nahaharap sa mga sitwasyon na mapanganib sa buhay ay mabilis na nakakahanap nga paraan ang tao upang makaiwas at magpatuloy sa mapayapang pamumuhay.
At dahil nga sa pandemya ay nawalan ng hanapbuhay ang marami sa atin. Mayaman man o mahirap ay apektado. Subalit may iilan naman na bago paman nagsimula ang pandemya ay nakapaghanda na kagaya ng aktres na si Neri Naig.
Ang aktres ay nagsabing nakapaghanda na siya bago pa man ang pagdating ng COVID-19. Ibinahagi nito sa kanyang vlog at sa mga pictures sa kanyang social media kung paano ito naging ECG-ready sa panahon ng pandemya.
Malaki umano ang naitulong ng vegetable garden ni Neri sa kanilang pang-araw-araw na pangangailan sa pagluluto. Nakatipid daw ito ng malaki dahil hindi na kailangang bumili pa sa palengke ng mga gulay na pangsangkap sa pagluluto. Mas natitiyak din nito na mas ligtas, malinis at sariwa ang mga gulay na makapagbibigay ng sapat na sustansya sa katawan dahil hindi ito nagamitan ng anumang kemikal.
Si Neri ay lumaki sa probinsya ng Zambales kaya’t doon nito natutunan ang kahalagahan ng pagtatanim. Sa simula ay hindi sumusuporta ang aswang si Chito Miranda, subalit kalaunan ay natuwa din ito sa resulta ng paghahalaman at pagtatanim ng asawa. Nahikayat din ni Neri ang anak na si Miggy na kumain ng gulay at nagustuhan daw nito ang kanyang mga luto.
Hinikayat ni Neri ang publiko na bigyanng halaga ang pagtatanim dahil malaki ang maitutulong nito lalong-lalo na sa panahon ng krisis at pandemya.