Ibinahagi ng aktor na si Luis Manzano at ng aktres na si Jessy Mendiola ang kanilang prenup video na ginawa sa napakagandang isla ng Amanpulo sa Palawan. Pagkatapos umano ng apat na taon na nasa “dating stage” ang celebrity couple, ay ready na itong pasukin ang panibagong yugto ng kanilang buhay.
credit to jessy mendiola | youtube
Sa post ni Luis sa kanyang Facebook, “Jessy Mendiola and I want to share something special with you all! Our pre-nup video.” Inanyayahan naman nila na panuorin ang kanilang prenup video na gawa ng videographer na si Bob Nicholas at may background music na “Baby, I love your way”.
credit to jessy mendiola | youtube
“What do you get when you shoot two beautiful people in one beautiful island with their beautiful, hand-picked song? The #JessgotLucky prenup video. Enjoy,” pahayag naman ni Bob.
Makikita sa video ang saya sa mukha ng couple, at pati na rin ang pagiging kwela ni Luis. Napakaganda nilang panuorin, lalo na at pareho sila may magagandang mukha. Mas lalong gumanda si Jessy sa kanyang putting flowy dress.
credit to jessy mendiola | youtube
“Everyone is congratulating us, kahit ‘yung mga hindi namin kilala naiiyak sila kasi nakita nila ang journey ng relationship namin ever since from the beginning. Pero alam mo nakakatuwa din na naitago namin for a long time, parang we had this small bubble na meron tayong secret,” wika ng aktres.
credit to jessy mendiola | youtube
Inanunsyo umano ng couple na noong December 12, 2020 lamang ang kanilang engagement ngunit isiniwalat nila sa vlog na October pa umano sila engaged at tinago lang nila sa mahigit na dalawang buwan. “Ang sarap din kasi na it was between us lang, pero ang sarap din na the whole world is happy for us, so it’s a mix of feelings,” sabi ni Luis.
credit to jessy mendiola | youtube
Samantala, marami naman sa kapwa nila artista sa showbiz, at mga netizens ang nagpa-abot ng pagbati kay Luis at Jessy.
Banggit ni telet0204 sa kanyang komento, “Smiling the whole time watching the video 😍It’s like watching a romantic film ♥️ Can’t wait for the big event 🙂 God Bless the howhows 🙏🏻♥️ #JessGotLucky
Panuorin na ang kanilang napaka sweet at nakaka good vibes na prenup video.