Ang Kapamilya celebrity mom na si Pokwang o Marietta Subong sa toong buhay ay isa sa mga pinaka-mahusay na komedyante sa mundo ng entertainment showbiz. At ngayon nga ay masaya siya sa simple pamumuhay anuman meron siya ngayon kasama niya niya ang kanyang longtime partner na isa ring American actor na si Lee O’Brian, at meron silang isang anak na babae na ngayon din ay 2-year-old si Malia Francine.

photo via maesubong | ig
Sa katunayan, may anak din si Pokwang sa ibang nakarelasyon niya noon na mas nakakatanda pa kay Malia, siya si Ria Mae Subong. Ayon sa isang report, noong 1996 nang si Pokwang ay nakarelasyon niya ang isang Japanese national at yun ang tunay na Ama ni Ria Mae.

photo via maesubong | ig
Sa kabila ng kanilang pagiging busy sa buhay bilang showibz entertainer at ang mga personal commitments, hindi padin nawawala kay Pokwang ang pagiging Ina sa kanyang mga anak at kamakailan lang nagpost si batikang komedyante sa kanyang Instagram account na isang litrato ng toy jeep 4×4 para ibigay ‘di umano sa kanyang anak na si Ria Mae.

photo via maesubong | ig
“Me: Anak ano dream car mo?
Mae: Jeep 4×4
Me: ok nak ako bahala wait ka lang ng one week.
Mae: weeehh???” sinabi ni Pokwang sa kanyang caption.
“O ayan na anak ha lahat gagawin ko matupad lang pangarap mo kasi mahal na mahal kita,” dagdag pa ng komedyante na si Pokwang.
Sa kaparehas na post, ang 49-year-old na komedyante at aktress ay nagsama ng isang short video kung saan si Pokwang ay makikita at maririnig na ini-encourage ang kanyang anak na pumunta sa labas ng bahay upang tignan ang kanyang bagong sasakyan sa kanyang garahe.

“Syempre dream car mo ‘to e. Para di ka na gamit nang gamit ng ano ko. Dali na, puntahan mo. Dream car mo ‘yung Jeep diba?” sabi ni Pokwang.
At noong nakita na nga ni Mae ang sasakyan sa loob ng kanyang garahe, bigla nalang itong napatawa at sinabing “Ay, ang liit.” Ang inakalang totoong 4×4 na Jeep sana, ay nahantonglang pala sa isang Toy Car.

Samantala, maraming mga netizens naman ang naaliw sa bonding moments ng mag-ina.