Connect with us

Entertainment

Obra ni Solenn Heusaff Hinangaan, Ibinahagi ang Bagong Painting na “Coming Home”, Dagdag sa Kanyang mga Nakakamanghang Likha

Isa na marahil sa mga napaka-talentado na aktres, at modelo si Solenn Huesaff. Hindi maikakaila ang angking galing nito lalo na sa pagpipinta. Isa sa mga bagay na nakahiligan at gustong-gusto nitong gawin.

Ilang taon na rin ang nakalipas noong una itong nagkaroon ng kanyang solo-art exhibit noong April 2017 sa Pineapple Lab, Makati.

image credit to solenn | ig

Tampok ang iba’t-ibang gawa nito na kanyang pinamagatang “Our People”.  Ayon kay Solenn, “from the name itself, you’ll know what the main subject was—people. People I met from my travels, people I made up. Just different people and different faces. There’s just something so raw and beautiful about human expression and I find myself always painting people.”

image credit to solenn | ig

Sinundan naman ito ng kanyang second solo exhibit sa Shangri la the Fort’s Provenance Gallery na may pamagat na “Kalsada”

“It’s called Kalsada, because the subjects are based on everyday people I’ve seen and met while going around the Philippines.” wika ni Solenn.

“I tried to represent Filipinos from all over the Philippines in Kalsada. I’m very grateful to Globe, because they really motivated me to do this second exhibit. Without them, I wouldn’t have anything ready to be shown at all. Lol.”, dagdag pa nito.

image credit to solenn | ig

Samantala, makikita sa mga latest na posts nito sa IG na hindi parin nawawala ang oras nito sa pagpipinta kahit siya ay nagkaroon na ng anak na si Thylane Katan sa kanyang asawang si Nico Bolzico.

Kahit na kalong-kalong at nagpapadede, makikita sa mga larawan na patuloy parin ang pagpipinta ni Solenn.

image credit to solenn | ig

Masaya naman nitong ibinahagi sa kanyang IG ang bagong gawang painting na may pagkakahawig din umano sa mga unang gawa nito na itinampok sa kanyang “Kalsada”exhibit.

Ang unang painting na kanyang ipinost ay pinamagatang “Coming Home”na may sukat na 90”x55” ang laki. Tampok sa painting na ito ang mga eksena sa probinsya kagaya ng in ana karga ang anak, mga batang nakatambay, at jeepney na punong-puno ng tao maging bubong nito.

image credit to solenn | ig

Hindi na umano makapaghintay si Solenn na maging tatlong gulang na taon na ang kanyang anak upang maturuan na nya ito sa pagpipinta dahil tatlong taon din umano sya nagsimulang magpinta.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending