Connect with us

Entertainment

Pamilya nila Marian at Dingdong Dantes, nag-enjoy sa kanilang maagang summer vacation sa isang beach resort

Napakaraming mga hindi magagandang kaganapan ang nangyari noong nakaraang taon. Kaya naman, kahit na limitado ang pamamasyal at mga pagtitipon, mainam pa rin ang paglalaan ng quality time sa mga mahal sa buhay lalong-lalo na sa ating mga pamilya.

photo credit to dantes family | ig

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan ng kanilang beach time ang pamilya ng sikat na aktor na si Dingdong Dantes at ng kanyang aktres na asawa na si Marian Rivera Dantes. Makikita sa mga larawan na talagang nag-enjoy ang mag-anak sa kanilang mas maagang summer get-away. Marahil ay matagal na rin silang hindi nakapag family outing at bonding dahil na rin sa marami ang ipinagbabawal simula noong nagkapandemya upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat at maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus.

photo credit to dantes family | ig

Samantala, sinulit ng pamilya nila Dong at Yan ang kanilang maigsing bakasyon at pagrerelax sa isang beach resort kasabay na rin ng pagdiriwang ng mag-asawa ng kanilang 6th anniversary.

photo credit to dantes family | ig

Makikita sa latest IG post ni Marian na may caption na “To my life… Happy 6th! ❤️” kasama ang larawan nila ng napaka gwapong asawang si Dingdong Dantes. Sweet na sweet ang dalawa at tila walang nagbago sa kanilang mga mukha na parang sila ay hindi tumatanda.

photo credit to dantes family | ig

Enjoy na enjoy din ang kanilang dalawang anak na mga napaka-cute na mga bata na sina Zia at Sixto. Sa isang larawan na ipinost ng aktor sa kanyang IG, “Kapag ganiyan na ang mukha niya, wala na, tunaw na ang Nanay niya. ☺️” kasama ang larawan ng bunsong anak na si Sixto na nakasakay sa isang salbabida na hugis butanding.

photo credit to dantes family | ig

Highlight din sa mga larawan na kanilang ibinahagi sa mga netizens ang picture ni Marian na naka dress at may suot na sombrero. “Aura si Nanay” caption nito sa post. Maraming nagkomento sa kaseksihan at kagandahan ng aktres at umabot na sa mahigit 196, 000 ang reactions nito.

photo credit to dantes family | ig

Masasabi nga naman na noong umulan ng kagandahan ay sila ang may maraming nasalo. Marami din ang humanga sa close-bond ng pamilya lalo na sa mag-asawa na hands-on mismo sa kanilang mga anak. Nagpapasalamat din sila sa pagkakataon na muli sila ay nakalabas at nakapag-enjoy.

“I will never forget how happy this boy was when he first encountered the sand and water on his feet.

When this pandemic started, he hasn’t even walked yet! But now look— he’s become my beach buddy!

I am just so grateful that we have been given this opportunity to freely run around and appreciate nature inside this bubble, without fear of getting anything unwanted. 🙏🏼”, pahayag pa ni Dingdong sa kanyang IG.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending