Mapapa- “Sana All” at couple goals ka talaga sa pamilya ng dating mga sikat na aktor at aktres na sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto.
Sa napakatagal na panahon ay muli silang lumabas at sa pagkakataong ito ay bilang isang malaking pamilya para sa isang commercial.

Ito ay inanunsyo ni Oyo sa kanyang IG na sila ay endorsers na ng isang local ice cream brand na Selecta.
Kasama ng couple na si Oyo at Kristine ang kanilang apat na cute na mga anak na sina Kiel, Ondrea, Caleb, at Marvic.

Masaya at nagpapasalamat si Oyo dahil sila ang napiling pamilya na gumanap sa commercial. “Thank you Lord God for our first family commercial this was shot the day before community quarantine. Thank you Lord for your faithfulness. #SelectaPhilippines”, caption nito sa kanyang IG post.
Nagpahayag din ng pagkatuwa at pagpapasalamat ang aktres na si Kristine at ibinahagi din ang magandang balita sa kanyang IG. “So happy and blessed to be with the whole family. All glory to God! #SelectaPhilippines”, caption naman nito sa kanyang post.

Maaring focus na ng mag-asawa ang kanilang malaking pamilya lalo na at lumalaki na ang kanilang mga anak at kailangan na ng pagsubaybay, kaya naman hindi na sila aktibo sa showbiz. Kaya naman nagpapasalamat sila sa oportunidad na maging bahagi ang kanilang buong pamilya sa commercial ng Selecta ice cream.

Samantala, si Kristine ay dating nagkarelasyon sa ex husband na si Diether Ocampo ngunit hindi nagtagal ang kanilang relasyon na nauwi din sa hiwalayan hanggang sa nagkatagpo sila ni Oyo. Nasa 26 na taong gulang pa lamang ang aktor at si Kristine naman ay 27 taong gulang noong sila ay naging mag-asawa.
Umani naman ng mga magagandang reaksyon mula sa mga netizens ang kanilang commercial.
“I wish this beautiful family forever”, “Bagay na bagay family mo”, “Nakakatuwa, I love it!”, ilan lamang ito sa mga komento ng mga netizen na nakapanuod ng commercial.