Malaki din ang naitutulong ng mga patimpalak na programa sa telebisyon lalo na sa mga taong nangangarap na magkaroon ng magandang buhay at makaraos sa kahirapan.
Isa na ang Pinoy Big Brother na reality TV show sa ABS-CBN na maraming nabago ang buhay kasama na rito si William “Yamyam” Gucong na naging PBB Otso Big Winner.
Si Yamyam ay nakatira sa Brgy. Anonang sa bayan ng Inabanga, Bohol. Bago paman ito nanalo sa PBB ay maraming ng hirap ang pinagdaanan sa buhay. Grade 5 lang umano ang narrating ni Yam dahil kailangan nyang tumigil sap ag-aaral at maghanap ng trabaho para matulungan ang kanyang pamilya.
Maraming iba’t-ibang trabaho ang kanyang pinasukan kagaya ng pagdedeliver ng tubig, at house helper sa Cebu. Ngunit nagkaroon siya ng malaking pag-asa noong nag audition siya sa PBB noong 2018 at pinalad na maging big winner.
Sa kanyang latest vlogs, ibinahagi ni Yamyam ang napakasimpleng buhay ang mayroon sila ng kanyang pamilya. Nakakabilib at nakaka-inspire ang kanyang kasipagan sa pagtatrabaho sa kanilang pagsasaka. Ipinakita ni yam kung paano ang pag-aani ng mga tanim na mani at mais.
Nakakaaliw itong panuorin dahil makikita mo talaga na napaka natural ang ipinapakita ni Yam sa kanyang mga viewers. Masaya din ang kanyang mga kasamahan sa paghaharvest ng mga mais. Sa huling bahagi naman ng video ay ipinakita ni Yamyam ang pag giling ng mais gamit ang sinaunang gilingan na bato.
Sa kabila ng pagkapanalo ay mas pinili parin ng ama ni Yam na magpatuloy sa pagtatrabaho sa bukid. “Naaawa ako kay papa kasi matanda na sya, magbubukid pa. Ayaw magpapigil eh kasi siempre nirerespeto ko sya kasi parte narin yan ng buhay niya. At the same time, siguro nakakatulong pa ako sa health niya kasi syempre parang nag eexercise ka na din pag nagsasaka ka, sambit pa ni Yamyam.
Maraming mga netizens ang nagbigay ng magagandang komento sa ipinakita na kasipagan ni Yamyam pati narin sa pagiging humble at simple nito sa kabila ng tagumpay na nakamit.