Kaya naman napakadaling sumikat at mahal na mahal ng kanyang fans itong si Maine Mendoza dahil na rin sa angkin nitong kabutihan sa mga tao. Binansagang phenomenal star, dahil sa biglaang pagbulusok ng career nito sa showbiz. Matatandaan sumikat ang dalaga dahil sa kanyang mga dubmash at kalaunan at napabilang sa longest noon time running show na Eat Bulaga. Ayon pa nga sa kanya ang walang workshop na naganap at talaga isinalang agad siya sa harap ng kamera.

Ngayon ang ating bansa ay dumadaan sa krisis kaya naman ang ating yaya dub ay sweet na nagbigay tulong sa pagpapadala niya ng tinawag niyang ‘Coronashowbiz eye kit made with love.’ May time kasi ngayon si Maine na gumawa ng personalized ‘corona kit’ dahil staycation lamang siya sa bahay dahil wala nang work, since taped na rin lahat ang ipinalalabas na episodes ng “Eat Bulaga” simula pa noong lunes.

Nauna ng pinadalhan ni Maine ang mga sisters niyang sina Nikki at Coleen. Pinost ni Coleen ang corona kit sa kanyang Instagram story: “Coleen, Taba, Corona kit made with love. Take care ‘coz I care! ILY! (heart emoji) Meng.”

Nilalaman ng nasabing Corona Kit ng mga sumusunod: Facial cleansing wipes, feminine wipes, disinfecting wipes, body wipes, toilet seat cover, cetaphil face wash, alcohol, soap (hygienix), facial tissue, off lotion, emergency band aid. Sinagot naman ito ni Coleen: “Hihihi, ang cute mo, @mainedcm, sweet mo naman lahat kami in-effort at ginawan mo nito. Buti na lang, germophobe ka, matic na may stock. Ingat sa Maniluhhh, Labyo!

For sure, pinadalhan din ni Maine ang mga high school friends at barkada niya. Isa rin sa nag-post ng “thank you” for Maine si Christine Babao na mas malaki ang pouch dahil may dry shampoo pa raw kasama ito. Caption ni Christine “sa panahon ng #Covid19, ang saya mabigyan nito, kinarir ang contents. Thanks M, you are so sweet and creative! Stay safe & Covid19 Free!”

Tunay nga na may mabuting puso ang dalaga kaya naman patuloy ang blessings nitong natatanggap.