Connect with us

Entertainment

Philmar Alipayo, hinangaan ng mga netizens dahil sa galing sa pag-aalaga sa kanyang pamilya lalo na sa pag-alalay kay Andi ngayong bagong panganak ito

Simula ng nilisan ng aktres na si Andi Eigenmann ang mundo ng showbiz, ang glamurosong buhay sa harap ng kamera na hinahangaan ng marami, ay hindi natin ito nakitaan ng panghihinayang o pagsisisi. Mahal na mahal ng aktres ang buhay na kanyang ineenjoy ngayon kasama ang kanyang pamilya.

Kamakailan lamang ay nanganak ang aktres sa kanyang pangatlong baby na pinangalanan nilang baby Koa. Katulad din ng ibang mga mommies, hands-on ang aktres at vlogger sa pag-aalaga ng kanyang bagong sanggol.

Sa latest vlog ni Andi na “Newborn Days! At Home With Our Little Boy” ay tampok ang kanilang buong pamilya na nag eenjoy sa kanilang bonding time sa loob ng kanilang bahay habang sila ay gumagawa ng mga gawain.

Marami naman ang nakapansin kay Philmar dahil sya ang nakikita sa video na nag-aalaga sa kanilang bagong baby, at pati na rin sa pag-gawa ng ilang mga gawain sa loob ng bahay.

“Wow. Ganyan ang mga responsableng lalaki—masipag sa gawaing bahay. ‘Di na kailangan utusan. Naglalaba, alaga sa babies at siya pa ata lagi nagpapaligo sa newborn. Mahirap na hanapin ganyang klase ng lalaki. Ang swerte ni Andi o vice versa. Galing,” banggit naman ng netizen na si Yvonne Alvarez.

Si Philmar ay nagpapaligo din kay baby Koa, at nakita din sa video na sya ang naglalaba ng kanilang mga damit. Tunay ngang napakalaking tulong ito sa kanyang asawang si Andi dahil kakapanganak pa lang ito at hindi pa masyado makagawa ng mga gawaing bahay dahil sya rin mismo ang hands-on na nag aalaga sa kanilang bagong baby.

“Si Philmar ang asawang tipong walang sakit sa ulo, wala kang stress at no need na utusan,” banggit ni Michelle Libaguin, isang napahangang netizen.

Ayon naman kay Andi, nariyan talaga at naka-alalay si Philmar sa kanya kahit pa noong bagong panganak sya noon kay baby Lilo.

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending