Kinagigiliwan ng maraming netizens ang pamilya nila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Madalas na makikita sa kanilang vlogs ang isang simple ngunit masayang pamilya.
Kamakailan lamang ay naging trending din ang cute at sweet at unique na photoshoot ng kanilang baby Lilo na nagdiwang ng kanyang first birthday noong July 23.
Dahil abala sa pag eensayo si Philmar sa surfing dahil sa nalalapit na kompetisyon nito ay nanatili ito sa Siargao. Samantala si Andi at ang kanilang dalawang anak na sina Ellie at baby Lilo ay nasa Maynila dahil idinaos ng aktres ang kanyang 30th birthday kamakailan lang.

Ilang lingo narin na hindi nakakasama ni Philmar ang kanyang pamilya at sa labis na pagka miss nito ay bigla itong napaiyak habang nag vivideo call si Andi.
Makikita na nagpapahangin si Philmar kasama ang kanyang mga kaibigan. Noong una ay nag iingay pa ito dahil natutuwa na makita ang kanyang mga mag-ina at nang bigla ay napaiyak nalang ito at umalis sa video call. Mga kaibigan na lamang niya ang kumausap kay Andi dahil ito ay napaiyak na lamang at nalungkot umano na matagl na hindi nakakasama ang pamilya at hindi nakadalo sa unang kaarawan ng kanyang anak na si baby Lilo.

‘’Is he crying? Mahal it’s live! Wag kang umiyak”, wika ni Andy.
Hangang-hanga ang mga netizens sa ipinakita ni Philmar. Tunay ngang mahal na mahal nito ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang mga anak.
‘’A guy who cries easily just seeing his love ones is a very soft hearted person. It just shows how much he loves Andi and daughter Lilo..swerte ka na sa iyaha Andi God bless you both.’’, sabi ng isang fan sa vlog.

“Lilo is obviously very close to his dad. The sight of his face makes Lilo give out a big smile and shows her excitement. Naawa ako ke Philmar at Hindi sya nakasama sa Manila with his mag Ina. Pati ako naluha sa pagluha ni Philmar. I Stan you Philmar, Isa Kang tunay na lalaki at mapagmahal sa pamilya mo.’’, ayon pa sa isang netizen.
Mabuhay ka Philmar!