Connect with us

Entertainment

Pia Wurtzbach, Ibinahagi ang Kanyang ‘Lucky Charm’ sa Buhay at Nagbigay sa Kanya ng Swerte sa Pagkapanalo sa Miss Universe

Basta’t Filipina beauty, hindi nagpapahuli.

Kagaya na lamang ng ilang beses na pagkapanalo ng ating mga representante sa mga beauty pageant sa buong mundo, kagaya ng Miss Universe. Isa na rito si Miss Pia Wurtzbach na kinoronahan bilang 2015 Miss Universe.

Maaalala nating napakalaking kontrobersiya pa at usap-usapan ang pagkapanalo nito dahil sa pagkakamali ng host na si Steve Harvey sa pag anunsyo ng panalo, na naunang binaggit ang Miss Columbia bilang Miss Universe na sa halip ay si Pia naman talaga.

Pagbabahagi ni Pia may taong napakahalaga sa kanyang buhay at tinuturing nyang lucky charm. Iyon ay ang kanyang napaka cute na pamangkin na si Lara Wurtzbach-Manze, anak ng kanyang kapatid na si Sarah.

“I really think Lara is my lucky charm in life. Kwento ko lang back in 2014 when Sarah was pregnant with Lara, I flew to the UK over the Christmas period to wait for Sarah to give birth. Pero wala. Hintay ako ng hintay. Nag New Year na, di parin sya lumalabas!” banggit ni Pia sa kanyang post.

Naka-tatlong beses na umano na sumali si Pia sa Binibining Pilipinas. At noong naipanganak na nga ang kanyang pamangkin ay siya ring taon na nanalo siya sa BB. Pilipinas at nakapasok sa Miss Universe.

“She’s growing so fast at nakakatuwang makita na sobrang generous nya sa friends nya, lagi syang nag shashare kahit ng pagkain hehe at mahilig syang kumanta at sumayaw! (With feelings!) Kaya naman naisip ni Sarah na ishare itong sweet and fun moments sa inyo. I love watching these videos lalo na pag nahohome sick ako or nabuburn out sa trabaho”, banggit pa ni Pia.

Mapapansin talaga sa mga larawan ang pagiging malapit sa isa’t-isa ni Pia at ng kanyang pamangkin. Minsan ay parang nagiging second mother na daw ito ni Lara dahil mahal na mahal daw nito ang kanyang pamangkin.

Maraming netizens naman ang nagbigay ng magagandang komento na maari daw sumunod sa yapak ni Pia si Lara dahil napakaganda din nito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending