Connect with us

Entertainment

Resthouse Ni Piolo Pascual sa Batangas, Ipinasilip Ng Aktor Sa Publiko

Isa sa mga makisig at gwapong aktor si Piolo Pascual na madalas ding may alyas na “Papa P”. Sa magandang pangangatawan nito at napakapoging mukha ay dumami ang fans na nahumaling sa kanya.

Sa ngayon ay hindi na siya madalas makita on screen kung kaya’t ang mga fans ay subscriber ng kanyang YouTube vlogs. Sila ay nakaantabay upang makita ang kanilang heartthrob na idolo.

Isa sa mga na shoot nga ng aktor ay noong nagdiwang ito ng 43rd birthday sa kanyang Resthouse sa Batangas. Mga piling kakilala at Kapamilya lamang ang kanyang inimbitahan dahil na din sa pag-iingat dahil sa kumakalat na [email protected] ngayon na mabilis [email protected]

Sa kanyang vlog ay mapapanood ang maaliwalas at magandang tanawin sa kanyang Rest House. Malinis at malawak ang disenyo ng Resthouse ng aktor at makikita din ang mga halaman na nakadagdag ng magandang ambiance.

Nakakatuwa pa ang fireworks display na naganap at nagbigay pa siya ng mensahe para sa mga kababayan sa Batangas na naaapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.

Maraming fans at netizens ang natuwa at pumuri sa mga naipundar ng aktor dahil sa pagsisikap nito. Isa na nga dito ang malamansyong Resthouse niya. Napakaganda din ng disenyo ng landscape nito at mayroon pang malawak na swimming pool kung saan dito madalas magpalitrato ang aktor.

Kahit na nasa edad na 40 pataas na ang aktor ay kitang-kita pa rin ang kapogian ng aktor. Hindi mahahalatang 40s ito dahil sa kanyang awra at Itsura.

Isa ding magaling na Singer si Papa P na nahasa nang sa katagalan sa industriya ng showbiz, kung kaya’t mas dumami pa ang fans nito kahit na sa ibang bansa.

Napakamatulungin din ng aktor kung kaya’t mas marami ang humahanga sa kanyang ugali. Isa na siya sa mga magagaling at kilalang showbiz personality noon at noon pa kaya napakarami ng nagmamahal sa kanya.

Source: Piolo Pascual Facebook Page/YouTube

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending