Connect with us

Entertainment

Richard Yap, ibinahagi ang kwento ng kanilang love story ng asawa, at ang mga pinagdaanan at nalampasan

Isa sa mga napaka-gwapong aktor ngayon sa kabila ng kanyang edad ay si Richard Yap. Nakilala at sumikat talaga sya noong ginampanan nya ang karakter bilang si “Sir Chief” sa sumikat na teleseryeng “Be careful with my Heart” kasama ang aktres na si Jodie Sta. Maria, at bilang si “Papa Chen” sa “My Binondo Girl”.

credit to iamrichardyap | ig

Maraming mga babae ang kinikilig sa angking kagwapuhan ni Richard Yap, ngunit isa sa pinaka-maswerteng babae na nga ang kanyang naging kabiyak sa buhay.

credit to iamrichardyap | ig

Si Richard Yap ay ikinasal kay Melody Yap noong 1993. Isang simpleng civil wedding lamang umano ang kanilang naging kasal. Pagkalipas umano ng dalawang taon ay napagdesisyunan nilang magpakasala sa simbahan.

credit to iamrichardyap | ig

Nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Ashley and Dylan. Katulad din umano ng ibang mag-asawa, dumaan din sa maraming pagsubok sina Richard at ang kanyang non-showbiz wife na si Melody. Ngunit hindi umano sumuko ang dalawa at ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Naibahagi naman ng mag-asawa ang kanilang kwento ng pag-ibig sa proramang Magpakailanman. Noong una umano ay nagdadalawang isip pa sila kung papaya silang ibahagi ang kwento ng kanilang buhay. Sa kalaunan ay napag-isipan nilang isapubliko ang kanilang love story dahil nais nilang makapag-inspire ng mga tao na may kapareho sa kanilang pinagdaanan.

credit to iamrichardyap | ig

Samantala, noong nakaraang taon lamang ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang silver wedding anniversary.

“Celebrating our 25th anniversary today with my love, the wind beneath my wings and my forever partner and best friend. Even though we’re in ECQ, the most important thing is that we’re together through all this. Here’s to the next 25 years and beyond! Cheers my love,” post ni Richard Yap sa kanyang Instagram account.

credit to iamrichardyap | ig

Si Richard Yap ay isang full-blooded Chinese ngunit dito na lumaki sa Pilipinas, sa Cebu City. Samantala, patuloy pa rin ang mga proyekto ng aktor dahil sa husay nito sa pag-arte.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending