Connect with us

Entertainment

River Garden Resthouse Ni Marjorie Barretto Sa Bulacan, Binuksan Na Sa Publiko

Si Marjorie Bernandine Castelo Barretto o mas kilalang si Marjorie Barretto ay isang Filipina former actress at politician. Siya ay ina ng sikat rin na aktres na si Julia Barretto.

Ipinasilip na nga ng dating aktres na si Marjorie Barretto ang rest house ng kanilang pamilya na tinawag nilang River Garden. Matapos ang ilang taong pagbabahagi ng ilang larawan ng kanilang property, sa wakas ay ipinakita niya na rin sa publiko at tinupad niya na ang hiling ng ilang fans na ibahagi sa publiko ang nasabing rest house sa Calumpit, Bulacan.

Napagdesisyunan umano ng aktres na i-tour tayo sa kanilang rest house upang maibahagi paunti-unti ang kanyang pribadong buhay.

Maraming fans naman ang napahanga kay Marjorie dahil sa pagiging hands-on nito mula ng itinatayo pa lamang ang naturang rest house.

Si Marjorie rin mismo ang nanguna kaya naging posible ang resthouse. Mula sa pagpapatayo, pagde-design, maging sa pagpili ng mga dekorasyon para rito.

“It’s really a small property. Please don’t be fo0led. it’s a very simple property. I just really made the most out of it. Sa hilig ko po sa bahay… dahil mahilig po akong mag interior, mag-ayos ayos, little by little, napuno naman namin to with all of my old stuff.” ang sabi ni Marjorie

Masasabing ‘old soul’ si Marjorie dahil sa kanyang pagkahilig sa mga vintage na bagay at dekorasyon. High maintenance umano ang kanilang River Garden dahil halos lahat ay gawa sa bamboo, pagbabahagi pa niya.

Sinabi rin ni Marjorie na mula sa napanalunan niya sa Pera o Bayong ang dahilan kung bakit nakapagpagawa siya ng pool.

“Dun sa pera na ‘yun na napanalunan ko sa Pera o Bayong, nag down payment ako para gumawa ng pool. If I’m not mistaken, parang 50,000 iyong payment.”

Napakaganda na kung tutuusin ang kanyang River Garden ngunit nais pa niya itong iimprove. Nais ni Marjorie na tawaging “Marjorie’s Secret Garden” ang isang spot malapit sa kusina. Lalagyan niya umano ito ng mga halaman at view deck sa gitnang bahagi.

Masayang ibinalita rin ni Marjorie na tatanggap na sila ngayon ng guests. Kung noon ay exclusive lamang ito para sa kanyang pamilya, ngayon ay open na raw ito para sa iba.

 

Talaga nga namang nakakabilib ang ilan sa hinahangaan nating mga personalidad. Kaya naman ang iba sa atin ay nagkakaroon ng ideya kung paano pa mai-uunlad ang ating mga tahanan.

Source: Marjorie Barretto Instagram

Continue Reading
Advertisement
Loading...

Trending