Connect with us

Entertainment

Robin Padilla Nagsalita na, Ipinagtanggol sa mga Nagsasabing sa Malaking Pagbabago ng Katawan ni Mariel Padilla

Ang pagiging babae ay hindi madali. Minsan, may mga pagkakataon na nagiging negatibo ang tingin ng ibang tao kapag ito ay hindi nakabihis ng naaayon sa dinidikta ng kultura, tradisyon at paniniwala ng sosyudad. Kapag ang babae ay nagsusuot ng maigsi, o damit na nakikita ang sensitibong bahagi ng katawan ay madalas na nakakaranas ito ng pambabastos o pangungutya lalong-lalo na sa mga lalaki.

Bukod pa rito, kapag ang babae ay nanganganak, maraming pagbabago ang nanyayari sa kanyang pisikal na anyo lalong-lalo na sa kanyang katawan. Madalas ay nagkakaroon ng mas malaking katawan o labis na pagbigat nito kapag nagkakaroon na ng mga anak. At madalas, nagiging sanhi din ito ng mga negatibong komento.

Hindi naging exempted si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga pangungutyang ito, subalit isang kahanga-hangang pagtatangol ang ginawa ng kanyang asawang si Robin Padilla.

Sa post ni Robin sa kanyang Instagram, ibinahagi nito kung gaano ka mabuting ina at asawa si Mariel. Sinakripisyo umano ng asawa ang kanyang career at mga personal na nais dahil sa pag-aalaga sa kanilang dalawang anak. Binanggit din ng aktor na may mga taong nagiging negatibo ang komento sa pagbabagong pisikal ng asawa.

“May mga pumupuna sa kanyang kalusugan ngayon, ang iba ay nagiging labis pa ang mga hirit para itoy makasakit”, wika ni Robin. “Ang asawa ko ay dumaraan sa napakatinding estado ng kanyang buhay. Kanyang iniwan ang pagmamahal sa sarili para sa pagmamahal sa kanyang mga anak. Wala naman sigurong babae ang nangarap o sinadyang sila ay lumusog lalong-lalo na sa isang katulad ni Mariel”, dagdag pa nito.

Ayon kay Robin, iba-iba ang reaksyon ng katawan ng mga babae sa panganganak, at dahil umano sa malakas na supply ng breastmilk ni Mariel sa panganganak sa kanilang pangalawang baby na si Gabriella. Hindi umano ginusto ng asawa ang pagiging malusog nito subalit mahirap umanong pigilan ito dahil sa mas malakas na pagkagutom dulot ng breastfeeding.

Wika pa ng aktor, ang ganitong mga natural na pagbabago sa katawan ng mga babae ay hindi dapat ginagawang katatawanan bagkus dapat umanong tulungan ang mga asawa.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Loading...

Trending